14/08/2026
Awareness and a Lesson Learn for me!
Napanood ko lang sa tiktok ‘to kagabi not knowing na mangyayari siya sakin kinabukasan. Si buyer ay bumili ng 6 items during live dahil nakasale kami, pinack ng kapatid ko at bulky yung parcel (see photos). Hindi talaga kami nag-pi-picture ng mga items before i-pack, ang ginagawa lang namin is yung proof of order lang which is yung palagi namin minamy day na nakapack na and ready for pick-up nalang. Which is mali pala dahil once na mangyare ito, wala kaming proof regarding sa content ng parcel na pinadala namin. Then biglang nag-chat yung customer na nag-co-complain dahil kulang yung nareceive nya na item. Sino ba namang hindi diba? So ako naman dinouble check ko yung picture na proof na sinend ng customer at yung proof of delivery ng rider. Doon ako nagtaka dahil bakit iba na yung itsura ng parcel compare sa parcel na pinadala namin? Tinetape ba talaga ng J&T yung mga parcel? Bakit biglang lumiit? Bakit yung ilalim na part is punit na pero tinapalan lang ng scatch tape? Hmmm 🤔