06/09/2026
Marami ang nagtatanong kung ang ALCARA NATURE FARM ay isang pampublikong campsite. Para po sa kaalaman ng lahat, ang ALCARA NATURE FARM ay isa pong pribadong campsite na kung saan ang mga pinapahintulan lamang ay isang pamilya, kamag-anakan, at mga kaibigan nito na gamitin ng eksklusibo ang naturang campsite. Ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay para sa isang grupo ng mga pamilya, kamag-anak at kaibigan lamang ay para magkaroon ng pribadong pagsasaya na hindi iisipin ang ibang mga di kilalang mga tao o grupo sa paligid, maiwasan ang hindi pagkakaunawan sa ibat ibang grupo, proteksiyon sa pamilya, pag-iwas sa ibat ibang uri ng pambabastos, at higit sa lahat, ang pagkakataaong magsaya kasama ang mga mahal sa buhay at masilayan ang katahimikan at ganda ng kalikasan. Kaya kung kayo ay naghahanap ng isang pribadong campsite na mura at walang nakatagong mga babayarin, tara na sa ALCARA! Para po sa karagdagang kaalaman, maari lamang po na bisitahin po ang aming FB page Alcara Nature Farm. Maraming Salamat po.....ALCARA NATURE FARM