28/08/2021
Blazing Tentacles Overload Takoyaki - P60
Nakapromo sila nung opening day kaya sinubukan ko. Sa Parang yung store nila, halos tapat ng Alfamart sa P.Paterno St.
Di ko alam kung nachambahan lang ako pero ang alat nya. Masyado madami yung sauce na sinipsip nung batter kaya medyo nakakaumay. Ok naman sana sya kasi mukhang quality yung ingredients, pero they need to learn that sometimes less is more. Medyo one dimensional yung flavor kasi puro savory, walang kahit ano na pwede mag cut nung saltiness nya. Mas ok sana to kung mas maraming gulay or kung may beni shoga.
Medyo olats din yung bantay ng store. Di ko alam kung pagod lang sya dahil opening day nila yun. Yung menu, hindi naka display. Nung tinanong ko ano available, sinabi nya yung pangalan nung mga menu items. Nung tinanong ko kung ano laman nung mga yun, saka lang nya nilabas yung menu. May menu naman pala. Langya, pinahirapan pa ko magisip. Tapos oorder pa sana ko ng drinks kaso parang wala syang gana mag serve so wag na lang.
Take note, umuulan nito ah. Sa tabi lang ng kalsada yung store nila, katapat ng pila ng tricyle, at walang silong. Tapos eto ako, nagsstruggle makinig sa kanya kung anong pwede ko bilhin, habang maingay yung ulan at mga sasakyan na dumadaan. Eto sya, parang walang kahit anong bahid ng sense of urgency.
Pero ewan. Siguro wala lang talaga sya mood nun. Baka iba ma-experience nyo. Maghihintay muna ko siguro bago ko sila bigyan ng isa pang chance.