13/10/2022
WORTH READING📣📣 ‼️
Remember YAHOO??? ✉️
Kilalang kilala at super Successful noon ang Yahoo. Pero ngayon wala na. Palubog na sila. Alam mo kung bakit sila nag-FAILED?
Here’s the Story…
Noong 1998, may opportunity sila na bilhin ang technology ni GOOGLE pero hindi sila naging interesado. Hindi sila umaksyon..🤷🏼♂️
Noong 2002 naman, nagkaron sila ulit ng opportunity para bilhin ng buo si Google. Alam mo kung magkano lang? $5 Billion dollars lang! Pero hindi na naman sila umaksyon... Ngayon, #1 si Google na search engine buong mundo.
Pangalawa, sila sa pinakamayamang company sa buong mundo ( #1 ang Apple)...
Ang value ng Google ay $507 Billion dollars! Sayang noh???🤦
Tapos nung 2006, muntik namang mabili ni Yahoo si FACEBOOK. Alam mo kung magkano? $1 BILLION lang. Pero si Yahoo tumawad! Binaba nila yung offer ng $850 milyon. Hindi pumayag si Mark Zuckerberg (Founder of Facebook). Ngayon isa sa pinakamayang company sa buong mundo ang Facebook..
Ang value nila ngayon ay $328 billion.
Sayang na naman YAHOO! Hays! 🤦🏼♂️😅
Andaming sinayang na opportunity ni Yahoo! Pero pinakahuling pagkakamali nila ay noong 2008... This time si Google naman ang gustong bumili kay Yahoo... 👌🏻
Gusto silang bilin ni Google sa halagang $44.6 Billion dollars...💰
Hindi pumayag si Yahoo. Hindi sila umaksyon...
Fast forward today, naibenta na si Yahoo sa Verizon. Alam mo kung magkano na lang na??? $4.83 BILLION NA LANG! 😲😓
NAPAKALIIT nyan kumpara sa mga sinayang nilang opportunity..😢
Kung umaksyon sana umpisa pa lang, sila SANA ang PINAKAMAYAMANG KUMPANYA Ngayon! 🤷🏼♂️
Sila sana may ari kay Google at Facebook!
Ganun din sa buhay.... Pag hindi ka willing gumawa ng aksyon, maraming opportunity ang posibleng masayang...
May times na ba na nasabi mo…“Sayang sana pala ______!”
• Sana pala ginawa ko s’ya!
• Sana pala tinanggap ko agad!
• Sana pala sumama ako!
• Sana pala binili ko yun!
• Sana pala gumawa ako ng aksyon!
Dalawa lang naman yan eh, it's either sasabihin mo sa sarili mo na SAYANG or BUTI na lang!!!
"Nothing is worse than missing an OPPORTUNITY that could changed your life."