23/03/2024
CORRECTED BY
“Check the papers and write corrected by. Ayusin ang pag-check kung ayaw niyo ng minus 2,” sabi ng ustaza namin.
Nakangiti naman ako dahil sa akin napunta ang test paper ni Qimar, Ang lalaking minahal ko kahit na weirdo.
Ang talino talaga niya. Out of 50 nakakuha siya ng 47.
Pagkatapos ko i-check nilagyan ko na ng corrected by—bigla akong nakaisip ng kalokohan. Nilagyan ko ito ng 'Corrected by your future zawji' natatawa ako sa isiping yun.
“Ibalik sa may-ari ang papel,” sabi ni ustaza.
Naku. Baka malaman niya ako ang nagsulat. Kaya binigay ko ito sa katabi ko at pinabigay ko sa kaniya. Buti naman wala itong pakialam.
---
“Ya ustaza, 48 dapat ako pero 47 lang ang nakalagay rito sa papel ko.”
Namula ako nang biglaang umangal si Qimar sa papel niya. Inayos ko yung pagbilang ah.
“Sino ang nag-check niyan?” tanong ni Ustaza.
“Future zawji ko raw po,” sabi ni Qimar.
Napahilamos ako sa mukha ko. Lagot na ako nito.
“Sino ang nag-check niyan. Ang hindi magsalita minus 10 ang lahat,” sabi ni Ustaza.
Nanginginig akong tumayo.
“Maaf. Ako po, Ya ustaza. But chineck ko po iyan nang maayos. 47 lang po talaga,” pag-amin ko. Tiningnan ko naman si Qimar na nakangiti sa akin.
Halos umalsa lahat ng buhok ko sa katawan at para na akong kamatis sa sobrang p**a.
“No excuses, minus 10—”
Hindi natapos ni Ustaza ang pagsasalita niya nang biglaang sumabat si Qimar.
“I was just kidding, Ya ustaza. Gusto ko lang naman pong makilala kung sinong future zawji ko ang nag-check ng papel ko,” nakangiting sabi niya. “So, dahil kilala ko na, hi future zawji. I'm your future zawj.”
Namula ako sa kilig at hiya. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko dahil kinikilig din.
“ASTAGFIRULLAH! BOTH OF YOU! MINUS 5 !” sabi ni Ustaza.
Wala akong pake sa minus 5 na 'yan basta kinikilig ako.
🖋️ unknown author