Queen Bites In Italy

Queen Bites In Italy TARA QUEENTUHAN TAYO!! Hugot serye/ POV's/Relatable memes/ PATAMA/
Food is life.. Taste it and feel it. Cooking•Stories•eating•Travel
DM me for Collaboration👇
(7)

04/09/2026

Flex mo na dali!! 🥵👀

03/09/2026

Kaya gusto ko yung personality ni Jelai Andres Noon pa man sa mga vlogs niya sa Yt dun ko siya unang napanood at nagustuhan. Napaka geniune nyang tao at makikita mong mapagmahal siya bilang kaibigan. Hindi ko siya kilala personally pero as matagal nang follower since dalaga pa ako masasabi kong mabuti siyang tao.

Siya yung tipo ng babae na hindi kailangang maging palengkera para marinig, o gamitin ang pangalan at fame niya para lang makakuha ng sympathy. Tingnan mo naman mga videos niya puro nakakatawa kasi hindi niya kailangang gawing miserable ang image niya para lang maging relatable. She can simply choose to share happiness.

At isa pa napaka classy nyang tao, Humble, Mapagmahal. At higit sa lahat, hindi niya kailangang manira ng ibang tao para lang iangat ang sarili niya.

Kaya minsan nakakalungkot na may mga taong pilit siyang hinihila pababa. Pero alam mo kung ano ang maganda? Hindi niya kailangang bumaba para lang makipagsabayan. Because a truly classy woman doesn’t need to be loud when there’s noise around her. She knows how to stay calm, composed, and dignified kahit na halos ubusin na siya ng mga taong hindi naman niya inaano.

03/09/2026

Sobrang ganda yern!! Naka bingwit ng Mafia sa Italya!

02/09/2026

Realtalk para kay TF,

Kung alam mong exposed na ang anak mo sa comments at controversy, mas kailangan mong turuan siyang huwag sumagot at huwag dalhin ang adult conflict sa social media. Hindi sapat na ipagtanggol mo ang anak mo kapag nakapagsalita na siya—dapat bago pa siya mapunta sa sitwasyong iyon, naprotektahan mo na siya.
Anak mo yan, minor at babae pa. Huwag mong gawin shield ang anak mo dahil tayong magulang dapat ang gagawa nun. Maging maingat tayo bilang magulang sa mga pinopost o sinasabi sa mga anak natin. Dahil may mga anak tayong nakatingin sa atin. Nakikinig sila. Nakikita nila at nakamasid sila sa mga ginagawa natin. Matatalino na mga bata ngayon.

At kapag may gulong kinasasangkutan ang magulang, madalas ang anak ang mas naaapektuhan.

Hindi lahat ng laban kailangan nating ipakita online.
Hindi lahat ng problema kailangan nating ikuwento sa anak.
At hindi lahat ng gulo ng matatanda ay dapat alam rin ng mga bata.

Bago tayo mag-post, mag-live, o magsalita online, isipin muna natin:

“Kapag nakita ito ng anak ko, makakatulong ba ito sa kanya o mas lalo ko lang mapapahamak anak ko?..

Dahil bilang magulang, hindi lang reputasyon natin ang pinoprotektahan natin.

Pati ang peace of mind at pagkatao ng mga anak natin.

01/09/2026

REAL TALK SA MGA NANAY NA MAY MINOR NA ANAK AT ACTIVE SA SOCIAL MEDIA.

Mga mommy, hindi lahat ng problema ng matatanda kailangang malaman ng bata.
Lalo na kung ang anak mo ay minor at may sarili na ring social media account.
Kapag may issue ka sa ibang tao, huwag mong hayaang ang anak mo ang maging tagapagtanggol mo.
Hindi trabaho ng anak na ipaliwanag sa publiko ang problema ng matatanda.
Hindi niya kailangang mamili kung sino ang kakampihan.
At higit sa lahat, hindi niya kailangang akuin ang bigat ng problemang hindi naman siya ang gumawa.
Oo, pwede nating turuan ang mga anak natin na magsalita para sa sarili nila.
Pero bilang magulang, responsibilidad din nating sabihin:

“Anak, hindi mo kailangang lumaban para sa akin. Ako ang nanay mo. Ako ang dapat humarap sa problema ng matatanda.”

Dahil ang social media, isang live lang, isang post lang, isang comment lang…
pwedeng maging permanenteng alaala ng isang batang dapat sana’y nag-eenjoy lang sa pagkabata.
Protektahan natin ang mga anak natin—not just from strangers online, but sometimes even from the consequences of the adults’ problems being brought online.

Hindi lahat ng katotohanan kailangang ipagtanggol ng bata.
At parents, ang pinakamagandang gawin natin bilang isang magulang ay ang ilayo ang anak sa gulo ng matatanda..

Protect your child at all cost!! 😇❤️

Kahapon at ngayon may natanggap akong Invite collaborations sa black app at nakakatuwa basahin yung message nila sakin. ...
31/08/2026

Kahapon at ngayon may natanggap akong Invite collaborations sa black app at nakakatuwa basahin yung message nila sakin. Actually lima yan hindi ko tinanggap yung isa kasi wala kaming alaga na aso. Pang animals kasi yung isang nag invite for collaboration.
Nakakatuwa pag ganto diba kasi baguhan palang naman ako wala pa isang buwan. 🥹😍
Thank you sa mga brands na nagtitiwala sakin huhu at dito pa talaga sa Italy na mga brands..

1 item sold nakakatuwa pala talaga kapag nakabenta ka.. in-enjoy ko lang itong pag affiliate nag start ako nitong August...
30/08/2026

1 item sold nakakatuwa pala talaga kapag nakabenta ka.. in-enjoy ko lang itong pag affiliate nag start ako nitong August lang at sakto ngayon kaarawan ko nakabenta ako ng isang Product.
Sinabi ko sa sarili ko na okay lang na wala pa benta kasi bago palang naman ako wala pa isang buwan pero ito may regalo sakin ngayon kaarawan ko. At dahil nakabenta ako may reward ako na 15€ coupon. Thank You Lord! 🥹❤️🥰

28/08/2026

Indirizzo

Matteucci
Rieti
02100

Sito Web

Notifiche

Lasciando la tua email puoi essere il primo a sapere quando Queen Bites In Italy pubblica notizie e promozioni. Il tuo indirizzo email non verrà utilizzato per nessun altro scopo e potrai annullare l'iscrizione in qualsiasi momento.

Contatta L'azienda

Invia un messaggio a Queen Bites In Italy:

Scelte rapide

Condividi