Kulaki's Swine Pen & A.I Center

Kulaki's Swine Pen & A.I Center π™‹π˜Όπ™‚π™Žπ™„π˜½π™Šπ™‡ 𝙉𝙂 π™ˆπ˜Όπ™‚π˜Όπ™‰π˜Ώπ˜Όπ™‰π™‚ π™‡π˜Όπ™ƒπ™„

10/06/2026

𝓀𝓷π“ͺ𝓷𝓰 𝓹𝓻𝓸𝓰𝓻π“ͺ𝓢π“ͺ 𝓼π“ͺ 𝓫𝓲𝓲𝓴, 𝓼π“ͺ 𝓲𝓴π“ͺ- 𝓲𝓼π“ͺ 𝓱π“ͺ𝓷𝓰𝓰π“ͺ𝓷𝓰 𝓲𝓴π“ͺ𝓽𝓡𝓸𝓷𝓰 π“ͺ𝓻π“ͺ𝔀 𝓷𝓰 𝓴π“ͺ𝓷𝓲𝓡π“ͺ𝓷𝓰 𝓫𝓾𝓱π“ͺ𝔂.

Pagtuturok ng suplementong iron na may kasamang bitamina (iron shot), pagpuputol ng ngipin (teeth clipping), pagpuputol ng buntot (tail docking), pagmamarka sa tenga (ear notching) at pagtatala ng mga detalye ng biik (record keeping).

Ang mga ito ay hindi lamang pampaganda sa itsura o pustura ng baboy o biik, dahil ang bawat isang programang ito ay may mahalagang gampanin sa kanilang buhay at paglaki. Tulad ng pagpuputol ng ngipin na ginagawa upang hindi masugatan at masaktan ang inahin habang ito ay nagpapadede at ganon din ang kanilang mga kapatid kapag sila ay naglalaro at nagbababagan (play-fighting), isa pa diyan ay pagpuputol ng buntot, ito ay ginagawa hindi para magmukhang pangkomersyo ang inyong mga baboy o mukhang galing sa malaking piggery, ito ay ginagawa para maiwasan ang pagkakagatan habang sila ay bata pa hanggang sa paglaki nila at sumunod ay ang pagmamarka sa mga tenga, ito ay ginagawa para sa kanilang pagkakakilanlan upang nang sa ganoon ay mabilis malaman ang kanilang pinanggalingang lahi, kapanganakan, edad, at iba pang datos na patungkol sa kanila (disclaimer lang po: ito ay hindi obligadong gawin ng lahat, lalo na sa backyard, ginagawa lang po ito kung nais niyo mag keep ng record ng inyong mga baboy, katulad ng edad, timbang, anong lahi ang pinanggalingan or ang breeding records or history, at iba pa. Kadalasan ito ay ginagawa kung ang iyong produksyon ay breeding or ikaw ay nagbebenta ng mga palahiang baboy)

Pasintabi po sa mga mapapanood niyong maseselang palabas at hindi sanay makakita ng ganitong bagay. Ang mga ito ay ginagawa hindi para masaktan ang mga hayop kundi dahil ito ay may mahahalagang ginagampanan sa aming babuyan. HAPPY FARMING!

HAYYYY NAKO! PARA KANG SI JUDAS, SARILI MONG MAMAMAYAN ANG IYONG IPINAGKANULO. MGA WALANG MALASAKIT PALIBHASA HINDI KAYO...
10/06/2026

HAYYYY NAKO! PARA KANG SI JUDAS, SARILI MONG MAMAMAYAN ANG IYONG IPINAGKANULO. MGA WALANG MALASAKIT PALIBHASA HINDI KAYO ANG NAKARARANAS.

KAYA PALA PUTOK NA PUTOK ANG MGA REPOPULATION PROGRAM AT MGA BALITA SA MULING PAGHAHANDA PARA SA PAGBANGON NG INDUSTRIYA NG PAGBABABOY SA PILIPINAS, DAHIL MAY BINABALAK PALANG MGA GANTO, PAPALABASIN NA KAKAUNTI DAW ANG POPULASYON NG BABOY PARA MAISAKATUPARAN NILA ANG PANANABUTAHE SA SARILING BANSA AT MGA MAMAMAYANG ANG HANAP BUHAY AY PAGBABABUYAN.

HINDI KAKAUNTI ANG POPULASYON NG BABOY, TALAGANG MAHIRAP LANG KUNG BUWAYA ANG KOMUKUNSUMO DITO, TALAGANG UBOS AT WALANG ITITIRA SA ATIN.

🚫🐷 HINDI PUWEDENG BASTA I-BAN ANG IMPORTED FROZEN MEAT SA ISANG LALAWIGAN

Sa gitna ng panawagan ng ilang sektor na ipagbawal ang pagpasok ng imported o frozen meat upang maprotektahan ang mga lokal na hog growers, mahalagang malaman na hindi ito basta-basta maaaring gawin ng isang lalawigan.

πŸ“Œ BAKIT?

βœ… Ang importasyon ay kontrolado ng National Government, hindi ng mga lalawigan.
βœ… Kapag ang imported meat ay legal na nakapasok sa bansa, may permit mula sa Department of Agriculture, nakalusot sa Bureau of Customs, at nakapasa sa inspeksyon ng National Meat Inspection Service (NMIS), ito ay legal na maaaring ipamahagi at ibenta saanman sa Pilipinas.
βœ… Ang EO No. 10 (2022) ay nagpalawig ng mababang taripa sa imported pork upang maging mas mura ang pagpasok nito sa bansa.
βœ… Ang EO No. 116 (2026) naman ay nagdagdag ng pork import quota upang mas maraming imported pork ang maaaring maangkat.

πŸ“Œ ANO ANG PUWEDE GAWIN NG MGA LGU?

βœ”οΈ Magpatupad ng mahigpit na ASF at biosecurity measures
βœ”οΈ Mag-inspeksyon ng mga produktong karne
βœ”οΈ Magbigay ng ayuda at suporta sa mga hog growers
βœ”οΈ Magpatupad ng livestock dispersal at repopulation programs
βœ”οΈ Maglaan ng pondo para sa ASF recovery

πŸ“Œ ANG TOTOONG TANONG:

Sa halip na simpleng panawagang "i-ban ang imported meat," mas mahalagang itanong:
πŸ‘‰ Ano ang mga konkretong programang naipatupad upang matulungan ang mga lokal na hog growers?
πŸ‘‰ https://web.facebook.com/share/p/18ometfgSf/

πŸ‘‰ Anong suporta ang naibigay upang makabangon sila mula sa ASF at makipagsabayan sa kompetisyon?

πŸ’‘ Ang pangmatagalang solusyon ay hindi lamang pagbabawal ng imported meat, kundi ang pagpapalakas ng lokal na industriya ng baboy upang maging mas produktibo, mas matatag, at mas kompetitibo.

Mga batas na maaaring malabag:
Constitutional Issue – Free Flow of Commerce
1987 Philippine Constitution
πŸ“– Article XII (National Economy and Patrimony)

Local Government Code Limitations
πŸ“– Republic Act No. 7160 (Local Government Code of 1991)
Section 16 (General Welfare Clause)

Importation at National Government Authority
πŸ“– Republic Act No. 10863
Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)

WTO at International Trade Commitments
πŸ“– Republic Act No. 7844

Meat Importation Laws
πŸ“– Republic Act No. 9296
Animal Industry Act

πŸ“– Republic Act No. 10536
National Meat Inspection Code

06/06/2026

α΄˜α΄œΚ€α΄‡ ʙʀᴇᴇᴅ ΚŸα΄€Κ€Ι’α΄‡ ᴑʜΙͺᴛᴇ

🐷 Dam: Pure Breed Large White (Jaltas x Creekview line by Bro Hog Farm)
πŸ— Sire: GP American Large White by Walyo Maravilla

βœ… 1st Parity (@ 114 days)
βœ… 16 Litter size
βœ… 15 Born Alive
βœ… 1 Mummified
βœ… 9 Female
βœ… 6 Male
βœ… Ave. Weight: 1.28 kg

THANK YOU LORD! MAMA MARY! PAPA JESUS! HAPPY FARMING!

π”Ήπ•Œπ•„π”Έπ”Ύπ•Šπ”Έπ•‚ ℙ𝔼ℝ𝕆 π”Ήπ•Œπ•„π”Έβ„•π”Ύπ•†β„• π•„π•Œπ•ƒπ•€ 𝔸𝕋 ℕ𝔾𝔸𝕐𝕆'𝕐 β„•π”Έπ•„π•Œβ„•π”Ύπ”Έ ℕ𝔸! Unang produksyon at ipinagmamalaking ibahagi ng Kulaki's Swine Pen, p...
03/06/2026

π”Ήπ•Œπ•„π”Έπ”Ύπ•Šπ”Έπ•‚ ℙ𝔼ℝ𝕆 π”Ήπ•Œπ•„π”Έβ„•π”Ύπ•†β„• π•„π•Œπ•ƒπ•€ 𝔸𝕋 ℕ𝔾𝔸𝕐𝕆'𝕐 β„•π”Έπ•„π•Œβ„•π”Ύπ”Έ ℕ𝔸!

Unang produksyon at ipinagmamalaking ibahagi ng Kulaki's Swine Pen, pure breed Large White, ang masasabi nating sariling atin.

Para po sa mga nagsabi at umawit na makabahagi sa ating palahi na pure breed Large white. Eto na po, ilang araw na lang lalabas na. Ang matagal nating inaantay ay nagbunga na. Abang abang na lang po kayo.

Hula ko dito mga 10 heads pero walayin na paglabas πŸ˜‚ kayo, ilan ang hula niyo? Comment down below! πŸ‘‡ HAPPY FARMING!

06/01/2026KA-BARANGAY. Isa na naan pong bagong kasamahan natin ang nagtiwala at tumangkilik sa semilya ng ating barako. ...
03/06/2026

06/01/2026

KA-BARANGAY. Isa na naan pong bagong kasamahan natin ang nagtiwala at tumangkilik sa semilya ng ating barako. Sila po ay aming ka barangay, dito sa Armado, Abra de Ilog. Nawa po ay matagumpay ang pagpapalahi natin sa inahing baboy niyo. Maraming salamat po pagtangkilik at pagtitiwala sa Kulaki's Swine Pen & A.I Center! HAPPY FARMING!

05/30/2026ANG MAGKAPIT-BARANGAY. Bale 5/5 na para sa regular customer natin from brgy. Tangkalan. At binigyan pa nya tay...
31/05/2026

05/30/2026

ANG MAGKAPIT-BARANGAY. Bale 5/5 na para sa regular customer natin from brgy. Tangkalan. At binigyan pa nya tayo ng bonus dahil inerekomenda niya tayo sa kapit-barangay nya. Dalawang beses pinabarakuhan ngunit hindi pinalad. Nawa'y machambahan natin para naman makabawi si sir sa panahong nalugi siya sa pakain. Nawa po ay matagumpay lahat ng pagpapalahi natin at maraming salamat po sa walang sawang pagtangkilik sa Kulaki's Swine Pen & A.I Center! HAPPY FARMING!

Ps. Nakalimutan nating picturan yung kay kapit-barangay. Sa susunod na lang. πŸ˜…

05/29/2026Panibagong sumpit, panibagong customer. Si sir ay from brgy. Marikit, Paluan. Maraming salamat po sa pagtangki...
31/05/2026

05/29/2026

Panibagong sumpit, panibagong customer. Si sir ay from brgy. Marikit, Paluan. Maraming salamat po sa pagtangkilik sa semilya ng aming barako. Nawa'y magbunga po ang pagpapalahi ss inyong baboy. HAPPY FARMING!

MGA KAPWA KO MAGBABABOY, MAG-INGAY! HINDI TAYO KULANG SA SUPPLY! TALAGANG GANID LANG ANG NASA PWESTO. LABAN LANG! TULOY ...
26/05/2026

MGA KAPWA KO MAGBABABOY, MAG-INGAY! HINDI TAYO KULANG SA SUPPLY! TALAGANG GANID LANG ANG NASA PWESTO. LABAN LANG! TULOY LANG!

Hindi Baboy ang Inaalagaan Namin

Sa likod ng putik, utang, at ASF, kinabukasan ng pamilya ang isinasalba ng magbababoy na Pilipino

Alas-tres pa lang ng madaling araw, gising na si Ben. Hindi alarm ang gumigising sa kanya kundi ang ungol ng mga biik, amoy ng ipa, at kaba na baka may isa na namang baboy na hindi na humihinga pag silip niya.

Ganito ang buhay ng magbababoy sa Pilipinas. Hindi ito negosyo lang. Ito ay sugal araw-araw.

Ang sakit na hindi nakikita sa kulungan
Takot na may pangalan: ASF. Limang taon na tayong nilalapa nito, at ang unang tinatamaan ay kaming maliliit na backyard raiser na walang pambili ng mamahaling biosecurity. Milyon-milyong baboy na ang nawala. Isang outbreak lang sa isang bayan, daang libo agad ang nalulugi.

Utang na hindi matapos-tapos. Ang feeds, mais, at soya, kada buwan tumataas. Mas mahal pa ang pakain kaysa sa magiging benta. Kaya kahit tumataas ang presyo sa palengke, hindi sa amin napupunta. Sa feeds dealer, sa trader, sa pautang.

Baha ng imported. Habang nag-aalangan kaming mag-alaga ulit dahil sa takot na ma-cull, ang imported na pork ang bumubuhos. Kami ang natatakot mag-invest, sila ang kumikita.

Hiya at pagod. Pag may namatay na baboy, hindi lang pera ang nawawala. Nawawala ang pambayad sa tuition, ang pang-maintenance ni nanay, ang dangal na "magsasaka ka pero di mo nabuhay."

Pero bakit may mga panalo pa rin?
Dahil kapag nabuhay ang isang inahin at nanganak ng dose, parang piyesta sa bahay. Dahil sa isang magandang bentahan, nababayaran ang kalahati ng utang at may sobra pang pang-spaghetti sa birthday ng bunso.

Dahil ang baboy ang naging alkansya ng pamilyang Pilipino. Walang bangko na tatanggap ng P500 kada linggo, pero ang kulungan tatanggap. Walang SSS ang magbababoy, pero ang biik ang retirement plan niya.

Bakit hindi kami sumusuko kahit lugi na?
Kasi kung hindi kami, sino ang magpapakain? Halos 80% ng baboy sa bansa galing pa rin sa maliliit na tulad namin. Kami ang bumubuhay sa carinderia, sa lechon sa kasal, sa tocino sa almusal ng estudyante.

Kasi sanay kami sa sugal na may dasal. "Lord, sana walang magkasakit ngayong buwan." At paulit-ulit naming tinataya ang puhunan dahil alam namin, isang beses lang manalo, mabubuhay kami ng anim na buwan.

Kaya sa susunod...

Sa susunod na may adobo, tocino, o lechon sa lamesa mo, huminto ka saglit bago sumubo.
Isipin mo yung kamay na nagpakain alas-tres ng madaling araw. Yung kamay na nanginig nung namatay ang buong kulungan dahil sa ASF. Yung kamay na nangutang ulit kahit alam niyang baka matalo na naman.

Hindi kami humihingi ng awa. Ang hinihingi lang namin, maalala mo kami.

Dahil habang may isang Pilipinong handang magpuyat, magpaka-putik, at magsimula ulit kahit zero na, hindi pa patay ang pagbababuyan sa Pilipinas.
Buhay pa. Lumalaban pa.

05/24/2026CUSTOMER NA ANG NAGREREKOMENDA PARA SA ATIN. Dahil sa serbisyo at kalidad na kanilang natanggap at naranasan a...
26/05/2026

05/24/2026

CUSTOMER NA ANG NAGREREKOMENDA PARA SA ATIN. Dahil sa serbisyo at kalidad na kanilang natanggap at naranasan ay ang mga regular customers na po natin ang nagrerekomenda para sa atin. Asahan niyo po na sa mga susunod na buwan at taon ay daragdagan pa namin ang dekalidad na barakong inyong pamimilian at mas lalo pa po nating pagagandahin ang serbisyo at lahi ng mga baboy dito sa lalawigan natin. Yan po ang kapalit ng walang sawa niyong pagtitiwala at pagtangkilik sa aming munting backayard farm at AI Center.

Maraming salamat po sa bago nating customer from So. Dapi, brgy. Payompon, Mamburao sa pagtangkilik at pagtitiwala sa ating dekalidad na extended boar semen. Nawa po ay magbunga ang ating pagsumpit sa inahing baboy niyo. HAPPY FARMING!

π€π•π€πˆπ‹π€ππ‹π„ π“πŽπƒπ€π˜!π™°πš›πšŠπš  πš—πšŠπš—πš πš”πš˜πš•πšŽπš”πšœπš’πš˜πš—: May 23, 2026AVAILABLE PO ANG ATING EXTENDED BOAR SEMEN!6 BAGS/DOSES PA PO ANG AVAIL...
23/05/2026

π€π•π€πˆπ‹π€ππ‹π„ π“πŽπƒπ€π˜!

π™°πš›πšŠπš  πš—πšŠπš—πš πš”πš˜πš•πšŽπš”πšœπš’πš˜πš—: May 23, 2026

AVAILABLE PO ANG ATING EXTENDED BOAR SEMEN!

6 BAGS/DOSES PA PO ANG AVAILABLE. KAYA I CHECK AT I- MONITOR NIYO NA ANG MGA DUMALAGA AT INAHIN PO NATIN AT BAKA NAGLALANDI/KANDI NA.

PM LANG PO PARA SA RESERVATION AT SA MAGPAPA-AI/SUMPIT. HAPPY FARMING!

Address

Barangay Armado, Occidental Mindoro
Abra De Ilog
5108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kulaki's Swine Pen & A.I Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category