14/09/2026
๐๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐ญ ๐๐จ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐
Alam mo ba na ang tekstura ng lupa ay may mahalagang papel sa paglago ng mga pananim? Ang dami at proporsyon ng buhangin, banlik, at luwad ay nakaaapekto sa drainage, pagpapanatili ng tubig, at pagkakaroon ng sustansiya sa lupa.
๐๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐ข๐ง (๐๐๐ง๐๐ฒ ๐๐จ๐ข๐ฅ)
Mabilis ang drainage ngunit mababa ang kakayahang humawak ng tubig at sustansiya. Maaari itong maging produktibo sa wastong patubig at pamamahala.
Angkop na pananim: mani, kamote, pakwan, at kamatis, lalo na kung may wastong patubig at pamamahala ng sustansiya.
๐๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐ฆ (๐๐จ๐๐ฆ ๐๐จ๐ข๐ฅ)
Pinaghalong buhangin, banlik, at luwad na nagbibigay ng magandang balanse sa drainage at pagpapanatili ng tubig at sustansiya. Angkop sa maraming uri ng pananim.
Angkop na pananim: palay, mais, gulay, kamatis, at iba pang hortikultural na pananim.
๐๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ (๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐จ๐ข๐ฅ)
Mataas ang kakayahang humawak ng tubig at sustansiya na mahalaga sa paglago ng pananim. Gayunpaman, maaari itong magkaroon ng mabagal na drainage at maging siksik.
Angkop na pananim: palay, tubo, gabi, at iba pang pananim na nangangailangan ng mas mataas na moisture.
Walang iisang uri ng lupa na pinakamainam para sa lahat ng pananim. Ang pagiging angkop ng lupa ay nakadepende rin sa uri ng pananim, kondisyon ng lupa, drainage, fertility, klima, at wastong pamamahala.
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
+63 (2) 8 529 7640 loc. 100
Viber: 0976-613-2507
SMS/Viber: 0919-318-7127
(ยฉInfo)