10/06/2026
📢 OMG Signing Off! 🥬💚
Paalam na po sa inyong lahat 🙏
Masaya at taos-puso pong nagpapasalamat ang O May Gulay sa mahigit 37,000 nating followers dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Malaking bahagi po kayo ng tagumpay ng aming pag-aaral.
Naging makabuluhan at masaya ang aming pagbabahagi ng presyo ng gulay dahil sa inyong araw-araw na pakikipagkwentuhan, pagpapadala ng mensahe, at pagkokomento sa ating mga post.
Malugod po naming ibinabahagi na natapos na ang aming pag-aaral tungkol sa galawan ng merkado at presyo ng mga gulay sa Palengke ng Sangitan. Kaugnay nito, ngayong June 10, 2026 na po ang huling post ng price update ng O May Gulay.
Dito na po nagtatapos ang aming pagbabahagi ng presyo ng gulay, at ang O May Gulay ay magpapaalam na.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtangkilik, suporta, tiwala, at pakikiisa—lalo na sa ating mga kamag-anak, kaibigan, kagulay, boss, idol, lahat ng sakadora, mamimili sa Sangitan at higit sa lahat sa mga followers nating kasama sa paglalakbay na ito mula 2023 hanggang sa kasalukuyan.
Ang bawat like, comment, share, at mensaheng inyong ipinadala ay naging inspirasyon upang maipagpatuloy namin ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa presyo ng gulay sa ating FB Page. Maraming salamat po sa pagiging bahagi ng kwento ng O May Gulay.
Maraming salamat, mga Kagulay. Hanggang sa muli. 🥬💚