17/07/2026
Maraming salamat, Lens and Letters, sa pagbabahagi ng kwento ng Kamote Fiesta!
Isang karangalan na maibahagi ang aming adhikain ang gawing makabuluhan ang simpleng kamote sa pamamagitan ng paggawa ng sustainable pastries habang sinusuportahan ang kabuhayan ng ating mga Aeta farmers.
Ang feature na ito ay inspirasyon para mas pagbutihin pa namin ang aming misyon na pagsamahin ang innovation, sustainability, at social impact sa bawat produktong aming ginagawa.
Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa Kamote Fiesta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay-halaga sa lokal na ani at sa mga magsasakang Pilipino.
Mula sa simpleng kamote, nakagawa ng negosyo na may layuning makatulong sa kalikasan at komunidad si Ella Mae Cunanan Manalus, 28-anyos na environmentalist mula Angeles City, Pampanga. Noong Nobyembre 2025, sinimulan niya ang Kamote Fiesta - Sweet Potato Superfoods, isang social enterprise na gumagawa ng innovative at masustansyang pastries mula sa kamote na direktang binibili sa mga Aeta farmers sa Pampanga.
Bilang Environmental Science graduate, layunin ni Manalus na mabigyan ng mas mataas na halaga ang lokal na ani habang binabawasan ang food waste. Sa pamamagitan ng mga produktong tulad ng Choco Lava Kamote Brownies, Velvet Love Bites, at Golden Keso Bliss, ipinapakita ng Kamote Fiesta na puwedeng magsama ang sustainability, innovation, at pagsuporta sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
γviralγ·fypγ·γ