27/02/2025
BABALA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO
Gusto ko lang po sana na balaan ang mga kabayan natin na gusto mag-abroad at pumasok sa Chinese company. Please lang po huwag na lang po kayo mag-apply kahit na libre at sagot nila ang gastusin dahil pagdating mo mismo sa company kawawa ka lang. Sa una kapag nag-apply ka sasabihin sayo na ang work mo ay g@ming so magiging kampante ka na kasi akala mo mag-aasist ka lang ng concern ng mga players. Pero pagdating mo sa company sc@m ang trabaho.
Paghahanapin ka sa mga dating apps ng mga client na from Europe tapos kailangan makuha mo loob para maipasok mo na ang cryp_to at malala pagtatrabuhin ka ng 15hrs at kapag wala kang nahanap sa isang araw na makausap may deduction ka na 10$ araw-araw. Plus over time or punishment na depende sa kanila. Minsan kur_yen_te_hin ka. Malala nyan hindi ka pa makakalabas kasi nasa kanila passport mo.
Sabihin mo ng libre pagkain ka at bahay pero para kana ring nakakulong sa kanila kapag nag-resign ka, pagbabayarin ka nila ng nagastos nila sayo at agent fee na nagpasok sayo so papatak ng total mong babayaran ay mahigit 100K. Bakit? Dahil idadaan ka nila sa isla hindi sa Naia. At kung hindi ka makapagbayad pwede ka nilang ib3nta sa ibang kompanya dipende sa gusto nila.
Kaya sana maging aware na kayo, oo mahirap ang kumita jan sa Pilipinas pero mas masarap magtrabaho sa legal na trabaho mababa man ang sahod mo alam mo namang wala sa bingit ng k@m@t@yan ang buhay mo.
Nan
2025
*Confidential