12/12/2025
Long Post ahead!
Shout out kay Maam Queenie for being kind, calm and still smiling during the delivery of her orders despite sa aking kapabayaan.
Thank you so much maam for understanding❤️❤️❤️
She ordered food for 30pax (nagawa naman po ito) Beef Caldereta/Fish Fillet and Mango Graham tapos na for delivery nlng
Then during the payment nagulat ako bakit sobra sobra yung payment, un pla may additional pa siya na package🤦♀️ umikot ang mundo ko I only have less than an hour.
Binigyan ako ng time ni maam kahit 4:30 pm
Hindi ko alam pano ko natapos yung 3 putahe pero may kulang pdin kasi di na tlga kaya wala na ako available ingredients (veg. kani roll)
Delivered mga 4:50pm
Sa mga nakakaalam po at mga old customers ko na, at sa mga di pa naman po , ako po ay full time worker. Ito po ay sideline ko lang (hobby turned into business) kaya kahit hindi po ako magpromote ng aking business ay ok lang po sa akin dahil alam ko po na hindi ko naman kaya iaccommodate lahat kung dadagsa.
Kaya nagpapasalamat po tlga ako sa bawat orders ninyo na halos araw araw ay meron. Minsan wala narin po ako tulog (sacrifice dahil need prin gampanan ang tungkulin bilang empleyado). Minsan dahil din sa daming gawain sa trabaho ay di ko po maiwasan na maging lutang, pasensya na po tlga kayo🙏 Pero ginagawan ko po ng paraan upang mapunan ang mga pagkukulang po natin kung kaya naman☺️
Hindi po tayo perfect , aminado naman po ako na tlgang nagkakamali po ako minsan sa lista, sa oras, at sa araw. Pero sa loob ng limang taon po natin ay hindi pa po aabot sa sampu ang scenario na ganito.
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagunawa at nagpapasalamat nrin ako kay Lord dahil nabiyayaan ako ng customers na mababait.
Sana po ay andyan parin kayo patuloy na susuporta sa Twins Foodtrays sa susunod na mga taon🎉🎊😘😘😘
❤️❤️❤️