08/07/2025
LIHIM KONG TINUTULUNGAN ANG MAMA KONG INIWAN NG BUONG PAMILYA‼️‼️
isang kwento ng tahimik na pagmamahal at muling pagbalik
Bago ko simulan ang lahat pokoyo, hindi ko akalain na magbabahagi ako ng kwento na sa pelikula ko lng din napapanood. Totoo pala noh may GANITONG pangyayari pala sa totoong buhay.
Hi Pokoyo,
Itago mo na lang ako sa pangalang Grace, 28 years old, isang Virtual Assistant na ngayon. Gusto ko lang ibahagi ang kwento ng isang taong naging malaking bahagi ng buhay ko… kahit hindi ako bahagi ng buhay niya ngayon.
Ampon ako.
Hindi ito sikreto sa akin. Bata pa lang ako, alam ko na. Pero kahit ganon, hindi ko man lang naramdaman na iba ako. Lalo na sa tinuring kong “Mama” si Mama Teresa. Siya ang umampon sa akin nung baby pa lang ako. May kaya sila noon. May negosyo. May malaking bahay. Maayos ang buhay.
Pinalaki niya ako nang buong pagmamahal. Hindi niya ako pinaramdam na ampon lang ako. Nasa private school ako, may sariling kwarto, laging may baon. Kahit hindi ako kadugo, siya ang unang nagturo sa akin kung paano magmahal, tumanggap, at mangarap.
Pero hindi lahat ng kasama sa bahay, ganon din ang pakikitungo sa akin.
Isa sa mga anak niya si Ate Sheila mula't simula pa lang, hindi ako matanggap. Palagi niya akong binabara. Tinatawag akong "labas" o "hindi tunay." Isang beses, narinig ko pa siyang nagalit kay Mama:
“Mas mahal mo pa yang ampon mo kaysa sa sariling anak!”
Siguro bata pa ako nun, pero hindi ko ‘yon nakalimutan.
Pagdating ko ng 17, dumating yung araw na kinailangan kong umalis sa bahay. Hindi ko na kinaya ang pakikitungo sa akin ni Ate Sheila, lalo na nung nag-college ako at nagsimula na akong mag-working student. Ayoko nang maging pabigat, ayoko na rin ng gulo. Masakit man, pero pinili kong lumayo.
Simula nun, tumira ako sa boarding house. Nagtrabaho ako sa fast food, nag-tutor sa mga bata, kung anu-ano na lang. Pero nakatapos ako. Nakatapos ako ng college, at ngayon, isa na akong successful VA. May sarili na akong apartment, may ipon, may client, may tahimik na buhay.
Wala na akong balita kay Mama mula nung umalis ako. Pero palagi ko siyang naaalala.
Hanggang isang buwan lang ang nakaraan, may nag-message sa akin kapitbahay nila dati. Nabanggit niya si Mama Teresa. Matanda na raw. Mahina na. Naka-wheelchair. At ang mas masakit sa lahat? Pinabayaan na siya ng mga anak niya.
Yung limang anak na pinaghirapan niya, pinalaki niya, pinag-aral kanya-kanya na raw ng buhay. Wala man lang gustong tumira sa kanya. Ang ilan, nasa abroad. Yung iba, ni hindi man lang nagpapadala. Sa isang sulok na lang daw siya ng bahay, inaalagaan ng isang bayad na tagabantay pero parang wala na ring respeto sa kanya.
Alam mo yung pakiramdam na habang binabasa ko yun, para akong hinihila paatras ng nakaraan.
Yung mga yakap niya nung bata ako.
Yung mga pagkanta niya habang nilalagyan ako ng Vicks.
Yung pag-aalala niya kapag nilalagnat ako.
Yung simpleng tanong niyang “kumain ka na ba?”
At ngayon… siya na ang nagugutom. Siya na ang wala.
Kaya hindi na ako nagdalawang-isip. Hindi man ako sigurado kung matatanggap niya pa ako nagsimula akong magpadala. Monthly. Pinadala ko sa tagabantay niya. Hindi sa mga anak. Sa kanya mismo. Nagpakilalang “anonymous friend.”
Bumili rin ako ng bagong wheelchair, pinalitan yung luma’t kalawangin. Binilhan ko siya ng heater para hindi siya ginawin. Vitamins, adult diapers, pagkain lahat, padala ko.
Hindi niya alam na ako ito.
Hindi ko pa kayang magpakita.
Pero alam ko, mas kailangan niya muna ngayon ang tulong… kaysa ang closure.
Minsan, naiisip ko bakit ako pa?
Ako yung ampon.
Ako yung hindi niya kadugo.
Ako yung sinaktan ng pamilya niya.
Pero ako yung bumabalik.
At sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot. Basta ang alam ko lang… minsan sa buhay ko, minahal niya ako kahit wala siyang dahilan.
Ngayon, ako naman ang nagmamahal sa kanya… kahit wala siyang hinihingi.
Mama Teresa, GUSTONG gusto kitang yakapin at ALAGAAN kahit paano Pero NATATAKOT AKONG bumalik. Paano kung di mo na ako kayang tanggapin o PALAYASIN ako ng mga tunay mong mga anak😭
Mahal na mahal kita mama.
– Grace, 28
July 5,2025
Time Check: 4:11PM