04/08/2026
📢 ANNOUNCEMENT!
Mga ka-suki, nais lang po naming ipaalam na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang gastusin, bahagya rin pong tumaas ang presyo ng ating mga itlog.
Pero huwag po kayong mag-alala napakaliit lang po ng aming itinaas dahil gusto pa rin naming manatiling abot-kaya para sa inyong lahat. Lagi po naming iniisip ang kapakanan ng aming mga suki at sisikapin naming ibigay ang pinakamagandang kalidad sa pinakasulit na presyo.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa. God bless po! 🥚❤️