16/09/2025
Hi, everyone! 👋
Pasensya na po kayo. 🥹🙏🏼
May mga nag me-message pa po pala sa page namin at gustong mag order ng customized Mini Donuts. Unfortunately, matagal na po kaming hindi gumagawa. Sobrang busy na po at hindi na po namin talaga maharap at mahanapan ng oras. 🥺
Again po, hindi na po kami gumagawa ng customized Mini Donuts at naka focus nalang po kami sa aming Merienda Cart na hanggang ngayon ay fully operational pa rin po. 🙂
Gayun pa man, may mga ibebenta po kaming bagong mga food items soon. Sana po ay muli niyo kaming suportahan. ☺️🤞🏼
Muli po, kami ay nagpapasalamat sa naging suporta at pag tangkilik niyo po sa aming Mini Donuts or sa aming maliit na negosyo as a whole. ☺️🤗
God Bless, everyone! 💗✨
Love,
Merienda Treats