Alpas Ciudad

Alpas Ciudad Your trusted community page for Ciudad de Strike, Molino 1, Bacoor, Cavite. Stay informed. Stay connected.

Get the latest local news, announcements, traffic updates, public advisories, and community greetings.

Sitwasyon ngaun sa mambog bacoor
08/08/2026

Sitwasyon ngaun sa mambog bacoor

08/08/2026

Baha na ba jan sa inyo?

08/08/2026

PRINZA PORTION NG ZAPOTE RIVER, PATULOY NA BINABANTAYAN SA PAGTAAS NG TUBIG

BACOOR, CAVITE — Patuloy na mino-monitor ang sitwasyon sa Prinza portion ng Zapote River, na nagsisilbing bahagi ng daluyan ng tubig sa pagitan ng Brgy. San Nicolas, Bacoor, Cavite at Brgy. Talon Dos, Las Piñas, matapos ang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong araw ng Sabado, Agosto 8, 2026.

Makikita sa lugar ang mabilis na pag-agos ng tubig sa ilog habang patuloy ang pag-ulan, dahilan upang maging mas maingat ang mga residente at mga dumaraan sa mga lugar na malapit sa ilog.

Pinapayuhan ang mga residente sa paligid ng Zapote River na maging alerto sa anumang biglaang pagtaas ng water level at agad na sumunod sa abiso ng mga lokal na awtoridad sakaling kailanganin ang paglikas.

Samantala, ayon sa impormasyong inilabas ng PAGASA, mino-monitor ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may mataas na posibilidad na maging tropical depression sa loob ng 24 oras.

Manatiling nakatutok sa mga opisyal na weather at emergency updates ng PAGASA at lokal na pamahalaan.

08/08/2026

Ang saya ng tag ulan sa bacoor

Laging may baha.
Ang saya diba.

📣📣🔈Marami na ang nagrereklamo tungkol sa umano’y kulang na timbang ng karne na nabibili sa wet and dry market ng Ciudad ...
05/08/2026

📣📣🔈Marami na ang nagrereklamo tungkol sa umano’y kulang na timbang ng karne na nabibili sa wet and dry market ng Ciudad de Strike, Molino 1, Bacoor, Cavite.

Panahon na marahil upang magsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang LGU ng Bacoor, upang matiyak na tama ang mga timbangan at patas ang kalakalan sa palengke.

Makabubuti rin kung magkaroon ng timbangang-bayan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na maipaberipika ang bigat ng kanilang mga binili.

Umaasa ang publiko sa agarang aksyon para maprotektahan ang karapatan ng mga mamimili.📢📣📣

04/08/2026

Talamak ang scam sa mga tindahan kasabay ng order ay mag papa cash in

🚨 PABATID AT PAALALA SA KALIGTASAN​Isang maulan at ligtas na gabi sa lahat!​Hinihimok ang bawat isa na manatiling alerto...
04/08/2026

🚨 PABATID AT PAALALA SA KALIGTASAN
​Isang maulan at ligtas na gabi sa lahat!

​Hinihimok ang bawat isa na manatiling alerto at mag-ingat ngayong gabi at sa mga susunod pang araw. Narito ang ilang mahahalagang paalala para sa ating seguridad at kalusugan:

​🔒 1. Seguridad at Proteksyon ng Tahanan
​Lock ang mga Pinto at Bintana: Ugaliing siguraduhing nakakandado nang maayos ang lahat ng pinto at bintana bago matulog upang maiwasan ang pagnanakaw.

​Mag-iwan ng Abiso: Kung may planong umalis o magpahinga sa ibang lugar, ipagbigay-alam ito sa pinagkakatiwalaang kapitbahay o sa ating security guard upang matutukan ang inyong bahay.

​🩺 2. Pangangalaga sa Kalusugan
​Mag-ingat sa mga Sakit: Uso ngayong panahon ng tag-ulan ang mga sakit na dala ng lamok tulad ng Dengue at Malaria.

​Panatilihing Malinis ang Paligid: Ugaliing linisin ang bakuran at itapon o takpan ang mga nakatambak na tubig na maaaring panggalingan o pangitlugan ng lamok.

​💡 Tandaan: Ang maagap at alertong mamamayan ay ligtas sa anumang panganib.
​Manatiling ligtas at mag-ingat po tayong lahat!

"Gaano tayo ka sigurado sa seguridad ng ating mga anak"🔉🔊🔉🔈👊🏻👊🏻Sa gitna ng mga naitatalang krimen sa iba’t ibang panig n...
04/08/2026

"Gaano tayo ka sigurado sa seguridad ng ating mga anak"
🔉🔊🔉🔈
👊🏻👊🏻

Sa gitna ng mga naitatalang krimen sa iba’t ibang panig ng bansa na kinasasangkutan ng ilang kabataang estudyante, mahalagang itanong natin:

Gaano nga ba natin masisig**o ang kaligtasan at seguridad ng ating mga anak habang nasa loob ng paaralan?

Ang seguridad sa paaralan ay hindi lamang responsibilidad ng mga g**o at pulisya. Kinakailangan ang pagtutulungan ng mga magulang, paaralan, lokal na pamahalaan, at buong komunidad upang mapanatiling ligtas ang ating mga kabataan.

Ano ang inyong mga mungkahi upang higit pang mapalakas ang seguridad sa ating mga paaralan? Ibahagi ang inyong opinyon sa comments.

Suggestion!

Alpas Ciudad
Follow and Like! 💙

Bukas ang aming page para sa inyong mga sumbong at panawagan. Huwag mag-atubiling mag-send ng direktang mensahe kung may...
04/08/2026

Bukas ang aming page para sa inyong mga sumbong at panawagan. Huwag mag-atubiling mag-send ng direktang mensahe kung mayroon kayong nais ipahayag.

​Paalala: Ang page na ito ay isang pribadong inisyatibo at HINDI pagmamay-ari ng gobyerno.
​Alpas Ciudad
👥 I-follow at i-like ang aming page!

📢 SHFC NAGLABAS NG PUBLIC ADVISORY PARA SA MGA RESIDENTE NG CIUDAD DE STRIKE PHASE 1Naglabas ng Public Advisory ang Soci...
03/08/2026

📢 SHFC NAGLABAS NG PUBLIC ADVISORY PARA SA MGA RESIDENTE NG CIUDAD DE STRIKE PHASE 1

Naglabas ng Public Advisory ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) na nag-uutos sa Isabela Faithful Servants Foundation, Inc. (IFSFI), mga empleyado nito, at sinumang kumikilos para rito na itigil agad ang pangongolekta ng Community Mortgage Program (CMP) monthly amortization payments mula sa mga miyembro at residente ng Ciudad de Strike Homeowners’ Association, Inc. Phase 1, gayundin sa iba pang community associations sa ilalim ng SHFC housing projects.

Ayon sa SHFC, tanging ang kasalukuyang awtorisadong opisyal ng Ciudad de Strike HOAI Phase I at iba pang kinikilalang community associations lamang ang may pahintulot na mangolekta ng buwanang amortization.

Pinapayuhan din ang mga residente na maaari silang direktang magbayad sa alinmang tanggapan o payment channels ng SHFC, basta’t may endorsement mula sa kasalukuyang opisyal ng kanilang homeowners’ association.

Kasunod ng advisory na ito, may ilang residente ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala dahil sa umano’y mga naibayad na amortization na hindi pa umano lumalabas sa kanilang records. Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang SHFC na nagsasabing may mga bayad na nawala o hindi na-remit. Hinihikayat ang mga apektadong residente na makipag-ugnayan sa SHFC at ihanda ang kanilang mga resibo o iba pang proof of payment para sa beripikasyon.

📌 Patuloy naming babantayan ang isyung ito at magbibigay ng update sa oras na maglabas ng karagdagang pahayag ang SHFC o iba pang kinauukulang ahensya.

Address

Ciudad De Strike Molino 1
Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alpas Ciudad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share