Tula ni binibining Licardo

Tula ni binibining Licardo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tula ni binibining Licardo, Grocers, mambog, Bacoor.

02/09/2026

Hayaang Mahalin Kita

Hayaan mo muna sana akong mahalin ka,
Kahit alam kong hindi na tayo magkaisa.
Hayaan mong damdamin ko’y huwag mong madaliin,
Sa sarili kong bilis, nais kong hilumin.

Hayaan mo sana akong umusad nang dahan-dahan,
Huwag mong pilitin ang pusong lumisan.
Damhin ko muna ang sakit at pangako,
Ang bawat alaala, ang bawat yakap mo.

Hayaan mo muna akong mahalin ka nang tahimik,
Mula sa malayo, kahit hindi na ako ang iyong pipiliin.
Hanggang sa puso ko’y matutunan kitang kalimutan,
Sa pagpapalaya sa’yo, ako rin ay magiging malaya, walang hinihiling, walang kasalanan.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

21/07/2026

Gusto Ko Nang Tumingin Nang Payapa

Sa bawat pagtingin ko sa iyong mukha,
Dati-rati’y hapdi ang aking dala.
Mga alaala ng ating nakaraan,
Laging sumasagi, puso’y sinasaktan.

Ngunit ngayon, may ibang hangarin,
Sa iyong mga mata, muli kong haharapin.
Hindi na ang lungkot ang aking makikita,
Hindi na ang sugat na dating nagdugo pa.

Gusto kong masdan ka nang malaya’t payapa,
Walang halong tanong, walang halong dusa.
Kalimutan na muna ang nangyari noon,
Tanggapin ang ngayon, anuman ang dulot nito.

Ang nakaraan ay ilalagay na sa pook na malayo,
Upang ang pagtingin ay maging sadyang totoo.
Ikaw lang ang makikita, sa kung ano ka ngayon,
Walang bigat na dala, walang hapis na hamon.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

21/07/2026

Paano ka magiging malaya kung takot kang may mawala

Maraming nagnanais na lumipad nang mataas,
Ngunit ang mahigpit na hawak, ayaw mawala.
Gustong sumubok sa bagong landas,
Ngunit takot na madapa.

Gustong lumayo sa pamilyar na pwesto,
Ngunit takot na maiwan nang mag-isa.
Gustong mahalin nang buong puso,
Ngunit takot na masaktan pa.

Hindi laging may harang sa ating daanan,
Kung bakit tila tayo ay nakakulong lang.
Kundi, dahil ayaw nating bitawan,
Ang mga bagay na dapat nang lumisan.

Hindi mababasa ang bagong kabanata,
Kung sa lumang pahina ang iyong pinipilit.
Hindi mo mahahanap ang tunay na diwa,
Kung sa dating sarili ay mahigpit kang kumakapit.

Sa pagsisikap na iligtas ang lahat ng bagay,
Ikaw naman ang unti-unting nawawala.
Kailangan mong mamili sa buhay.
Manatiling ligtas, o maging malaya?

Madalas, ang dalawa ay hindi magkasama.
Paano ka magiging malaya kung takot kang may mawala?
Paano ibubuka ang palad na nakakuyom,
Kung sa takot ay patuloy kang na nanatili.

Hindi lahat ng pagkawala ay pagguho at pagkawasak,
Minsan, ito ay paalala ng buhay sa atin.
Hindi kailangang hawakan habambuhay,
Upang patunayang ito ay mahalaga at totoo rin.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

16/06/2026

Tadhana

Tadhana, sadyang mapagbiro,
Pinakilala sa maling tao upang matuto.
Naranasang masaktan, magbago, at umunawa,
Upang sa susunod ay tama na ang makapiling sinta.

Ngunit nang handa na ang pusong magmahal muli,
Ipinakilala mo ang taong tunay at mabuti.
Siya ang nagpapahalaga, nakauunawa nang lubos,
Akala ko’y wagas, magkakaroon na ng wakas.

Ngunit bakit ganyan ang iyong itinakda?
Tamang tao ngunit sa maling panahon pa.
Bagama’t wagas ang pagtingin at pagkakaunawaan,
May mga hadlang na tila hindi kayang lampasan.

At sa huli, hindi pa rin ako nakatakas,
Sa iyong larong puno ng hiwaga at hirap.
Pinagtagpo ngunit hindi pinayagang magtaga, kahit pa sinikap
Ganito ka talaga tadhana, mapaglaro at madaya.


____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

16/06/2026

Tamang Tao, Maling Panahon

Itinuloy kahit may pag-aalinlangan,
Sa kabila ng agam-agam ay nagkapitagan.
Ngunit dala ng tadhana ay hindi pag-asa,
Pinagtagpo lang, hindi itinakda.

Tunay ang damdamin, wagas ang pagtingin,
Ngunit oras ay hindi naging katuwang din.
Sa simula pa lang ay may alam na tayo,
Na sa labang ito, walang magagawa ang puso.

Kaya’t tatanggapin na ang katotohanan,
Na hindi dapat tayo magmahalan.
Sa maling panahon tayo nagkita,
Tamang tao, ngunit ang oras ay hindi tugma.


____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

28/05/2026

Andito lang ako,
naghihintay, handang bumalik sayo,
Sinaktan mo ako, totoo at walang alinlangan,
Ngunit mas masakit, noong ika’y lumisan at naglaho nang tuluyan.

Nahirapan ako sa pagbabago ng aking daan,
Sa kung paano mo ako binigyan ng kapatawaran.
Paano mo ako kayang kalimutan nang ganoon na lamang,
Parang hangin na lumipad, hindi na muling babalik sa nakaraan.

Oo, panalo ka na,
Dahil hindi kita kayang tiisin,
Ikaw ang naging mundo ko, ang aking payapang pahinga,
Sa bawat pagod at lungkot, ikaw ang naging aking liwanag at pag-asa.

Hindi ko maipaliwanag, kung bakit ganito ang aking nararamdaman,
Bakit ako nagiging ganito kabaliw, na ikaw ang laging laman.
Nagagalit na rin ako sa aking sarili,
Bakit hindi kita kayang kalimutan, ang taong mapaglaro sa aking isipan

Kahit na nanlalamig ka na
Hindi ako sumuko, patuloy na
nangungulit sa iyo
Ngunit sa tunay na katotohanan, kaibigan lang pala ang iyong turing sa akin,
Ako lang itong si delulu at tanga, sa sarili ko’y nagpapaloko

Handa akong magkasala,
Dahil ikaw ang paborito kong kasalanan,
Kahit na ako’y nasasaktan,
Gusto pa rin kitang balikan

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

25/05/2026

Akala Ko Lang Pala

Akala ko’y may hihintayin pa,
May pag-asang muling magbabalik ka,
Kahit unti-unti nang lumalabo,
Pinilit kung abutin ang iyong mundo,

Akala ko lang pala ang lahat ng ‘yan,
Puso ko’y naniwala nang lubusan,
Sa mga salitang dating matatamis,
Ngayon ay alaala na lang na nalihis

Dapat palang kalimutan na lang,
Huwag nang umasa, huwag nang maghanap,
Ikaw ay bahagi na lang ng kahapon,
Pangarap na nasira, pag-ibig na nalason.

Masakit isipin, mahirap tanggapin,
Na ako lang ang nagmahal nang totoo at tapat,
Ngayon ay pipiliin ko nang palayain ka,
At ang pangalan mo’y unti-unting iiwan na.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

20/05/2026

Pamilyang Higit sa Dugo

Hindi sa dugo nasusukat ang ugnayan,
Hindi sa apelyido o pinagmulan.
Tunay na pamilya ay yaong mananatili,
Ikaw ay papahalagahan palagi.

Sila ang mga taong nais kang makasama,
Tanggap ang iyong buong pagkatao at diwa.
Kahit may kakulangan o pagkakaiba,
Buo ang pagtanggap, walang pagdududa

Handang magsakripisyo, gumawa ng paraan,
Upang makita kang ngumiti at masiyahan.
Sa hirap at ginhawa, sila’y nakaalalay,
Pagmamahal nila’y wagas at tunay.

Anuman ang mangyari, ano pa ang magbago,
Ang pag-ibig nila’y hindi kukupas at hihinto.
Sila ang pamilyang tunay at totoo,
Minamahal ka nang buong puso, anuman ang mangyari sa’yo.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

20/05/2026

I Grew Up Before My Time

You were the first to breathe in this house,
but the first to feel the weight of every sigh,
the first to learn that being strong
means hiding how much you want to cry.

you grew up faster than you should have,
trading your childhood for a place that was never really yours to claim.

I swallow down the words I want to say,
Lock all my feelings deep inside,
No one must know how much I ache,
Or see the tears I work to hide.

You watched your younger siblings
get to be messy, loud, and free,
while you had to be careful, thoughtful,
the one who always had to be.

They see me standing tall and steady,
Like I hold the whole world in my hands,
They ask for more, I always give,
Even when my own strength disbands.

They got the laughs and the mistakes,
the time to run and make them too,
but you got the lessons too soon,
that life is hard, and hearts can break.

I learned that crying is not allowed,
That being strong is all I do,
If I fall apart, who will hold us?
So I stay whole, though I am blue.

You carry secrets in your chest
that no one else will ever know,
how sometimes you feel like a stranger
in the home where you first learned to grow.

People say “You understand so much”
and “You handle things so well”
but no one asks if you are hurting,
or if you ever wished you could just tell:

I am tired of being the rock,
I am tired of holding it all in,
I want to be small and be taken care of,
not the one who has to win.

No one asks if I am hurting,
No one sees the cracks beneath my skin,
I am the eldest, I must carry
Everything, until the end, within.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

20/05/2026

Ang Laro ng Buhay

Ang buhay ay tila isang masalimuot na laro,
Maraming manlalaro ang nasa paligid mo.
May kani-kaniyang layunin at sariling takbo,
Bawat galaw nila’y may kahulugan at motibo.

Kung hindi ka sasali at pipiliing umiwas,
Kung sa mga plano nila’y ayaw mong kumampi o lumabas,
Tandaan mong sa mundong ito, walang pagkukubli ang wagas,
Sila ang gagalaw, ikaw naman ang magiging bahid at bakas.

Kapag nanatili ka lang na nakatayo’t nakatingin,
Hindi ka makakaiwas sa kanilang gagawin.
Dahil kung sa laro ay ayaw mong makilahok at sumapi,
Ikaw ang gagamitin nila sa kanilang mga mithi.

Kaya’t matutong sumabay at magkaroon ng sariling hakbang,
Huwag hayaang sa kamay ng iba’y ikaw ay matanlaw.
Maglaro nang tama, may dangal na pananagutan,
Upang sa dulo, ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran.

____________________________________________
✍️ Binibining Licardo

📌 I do not allowed everybody to copy my works without my permission and claim as yours
___________________________________________

Address

Mambog
Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tula ni binibining Licardo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category