05/05/2026
You will never forget your firsts.
Unang build. Unang benta. Unang delivery.
Noong 2016, wala naman talaga sa plano. Hindi kami nag-start with a big business idea or grand vision. Napilitan lang kami gumawa ng smoker dahil may mga nakakita sa social media ng mga salang namin sa maliit na BBQ stand, yung simpleng lutuan na gawa sa upcycled barrel drum, pagmumulan pala ng Barrel Pro.
From something na ginagawa lang for survival para makapgprovide bilang tatay, naging opportunity. From backyard setup, unti-unting naging seryoso. Walang perfect na simula, trial and error, puyat, pagod, sablay, pero tuloy lang. Hanggang sa dumating yung unang build na binayaran, unang delivery, unang customer na naniwala.
And the rest is history. Yung experience ko pala na welder helper ni tatay noon sa kanyang maliit na workshop at yung experience ko as F&B supervisor sa barko for 10 years, planado na pala ng Lord yun maski noon pa.
Looking back, nakaka-amaze isipin na yung mga hindi inasahan at hindi pinlano, yun pala yung magtutulak sayo sa mas malaking bagay. Minsan hindi mo kailangan ng perfect plan, kailangan mo lang magsimula at tumuloy.
Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta simula noon hanggang ngayon. Sa mga unang naniwala, sa mga nagtiwala kahit hindi pa kami kilala, at sa mga patuloy na sumasama sa journey namin, kayo ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy pa rin.
From first buildβ¦ hanggang sa mas marami pang builds. π₯