19/04/2024
JOB FAIR
"SA BAGONG PILIPINAS: MANGGAGAWANG PILIPINO, KABALIKAT AT KASAMA SA PAG-ASENSO"
Magandang araw mga Bataeño!
Ang online registration ay bukas na!!!
Sa darating na Miyerkules, ika-1 ng Mayo, magsasagawa ang Pamahalaang Panlungsod ng Balanga, sa pakikipagtulungan
ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bataan at SM City Bataan, ng isang JOB FAIR!
Sa pangunguna ng ating butihin at masipag na ama ng syudad, Mayor Francis Anthony S. Garcia, ang Pamahalaang Panlungsod ng Balanga
katuwang sina Vice Mayor Vinca Lita Gozon kasama ang mga SP Members ang programang ito ay pagkakataon para sa ating mga kababayan na makahanap ng trabaho sa iba't ibang industriya.
Narito ang mga paraan para makapag register sa nalalapit na JOB FAIR,
araw ng Miyerkules, ika-1 ng Mayo, mula 10:00 am - 04:00 pm sa SM City Bataan, Lungsod ng Balanga.
MAG-REHISTRO LAMANG SA 4 NA MADALING HAKBANG::
1. Pumunta sa https://tinyurl.com/May2024jobfair
o i-scan ang QR Code na nasa ibaba para sa Registration Form.
2. Punan ang mga kinakailangan impormasyon sa form.
3. I-click ang "Get QR CODE" button upang ma-generate ang iyong QR Code.
4. I-screenshot ang iyong QR Code at ipakita ito sa mismong araw ng Job Fair (May 1, 2024)
Para sa mga hindi makapagrehistro online, huwag mag-alala, maaari pa rin kayong dumalo at
magparehistro sa araw ng Job Fair! Sama-sama nating abutin ang pangarap ng mas maunlad na
kinabukasan para sa ating bansa!