14/07/2021
GOOD NEWS sa mga riders/drivers,
BAD NEWS sa mga manloloko! ☝️
Layunin ng Senate Bill No. 2302 na mapatawan ng kasong kriminal ang mga taong gumagawa ng "bogus transactions o hoax orders", mga nagka-kansela ng kumpirmadong orders, at pagtangging tanggapin ang mga nabayarang orders.
“The recent incidents of fake booking and hoax orders are quite alarming. Those acts must be criminalized. Nagtatrabaho ang ating mga riders nang maayos. Yung iba ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye para kumita ng pera. Hindi sila dapat linoloko,” ani Senator Koko Pimentel.
Ipinagbabawal din na gamitin ng isang tao ang ibang pangalan upang umorder, maliban na lamang kung "may consent" ito sa taong nakapangalan. Ganun din sa pag-order na gamit ay kaduda-dudang pangalan o address.
Upang lalo pang maproteksyunan ang mga delivery riders o drivers, babayaran ng kanilang service providers ang mga kinanselang kumpirmadong orders. Nakasaad din sa bill na ang mga service providers ang dapat na humabol sa mga nagkanselang customers.
Kinakailangan din na i-require ng mga service providers sa kanilang mga customers na isumite ang "valid proof of identity and residential address" na ire-rehistro sa kanila, at kinakailangan ding protektahan ang kanilang personal information ayon sa Data Privacy Act of 2012.
"Violations of the above prohibitions carry the penalty of arresto mayor and/or a fine not exceeding P100,000," ayon sa bill.
📌 Mga nagpa-prank, may kalalagyan na!