27/05/2026
Heartbreaking. 💔
Nanakawan kami.
Noong umaga ng May 22, tumawag ang staff namin para ibalita na pinasok ang shop ng Simply Froyo.
Pagdating namin, bumungad agad ang magulong loob ng store. Halatang hinalungkat ang bawat sulok. Nawala ang pera, tablet, extensions, portable gas stove, at ilan pang gamit na araw-araw naming ginagamit para makapagserve sa inyo.
Mas masakit makita na hindi lang pagnanakaw ang nangyari.
May naiwan pang dalawang magkaibang upos ng yosi sa loob ng shop. Posibleng higit sa isang tao ang pumasok. May mga bukas ding pagkain sa loob — Nutella, full cream milk, at iba pang gamit. Tila nagtagal pa sila sa loob. Parang nagmeryenda pa habang winawasak ang pinaghirapan namin.
Mula second floor hanggang sa likod na pintuan sila dumaan.
Masakit. Nakakapanghina.
Hindi biro magpatakbo ng maliit na negosyo. Bawat gamit sa shop, pinaghirapan. Bawat benta, pinupuhunan ulit para maitawid ang araw-araw at maipagpatuloy ang pangarap.
Lumalaban kami nang patas. Marangal. Tahimik na nagtatrabaho para mabuo ang Simply Froyo.
Kaya sobrang bigat makita na may mga taong kayang sirain iyon sa isang gabi lang.
Hanggang sa ngayon, nakikipag-coordinate kami sa Barangay Officials at local police regarding this incident.
Posting this for awareness, at sana ay matulungan ninyo kaming maipalaganap ito sa pamamagitan ng pag-share ng post na ito. Base sa mga kwento noong araw na iyon, hindi unang beses na may nakawan na nangyari sa area namin.
Sa lahat ng patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagmamahal sa Simply Froyo — maraming salamat. 🤍
Sa kabila ng lahat, babangon pa rin kami.