02/09/2023
⚰Panalangin sa Patay⚰
👻Wala ng saysay pa ang ipanalangin ang patay.👻
May isang taong ngtanong sa pastor, " pwede po bang humingi ng panalangin?
"Oo naman, anong gusto mong ipanalangin?" tanong ng pastor.
"Namatay ang pinsan ko noong nakaraang linggo,paki-panalangin po na gabayan ng Dios sa kabilang buhay na makarating sa langit.
Nagtanong ang pastor, " kapag may pagsusulit sa eskwelahan , kailan ka mananalangin, pagkatapos o bago ang pagsusulit?
"Syempre po! Bago ang pagsusulit!"
Tama. Kapag nanalangin ka pagkatapos ng pagsusulit , hinihiling mo sa Dios na baguhin ang resulta. Higit ito gagawin ng Dios dahil Siya ay tapat. Hindi niya pwedeng dayain ang resulta.
Gayundin naman, kpag tayoy namatay ,tapos na ang pagsusulit. Hindi na mababago ang destinasyon. Ang sabi ng Hebreo 9:27 pagkatapos ng kamatayan ay paghatol. Ibig sabihin wala ng pangalawang pagkakataon.
Nalulungkot ako sa iyong kamag-anak hindi na natin siya pwedeng ipanalangin.
Ito ang dahilan kaya dapat nilang marinig ang ebanghelyo ng kaligtasan habang silay nabubuhay pa. Kailangan nilang tanggpin si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon bago mahuli ang lahat.
😮 Ang mga taong naniniwala na silay maliligtas pa pagkatapos ng kamatayan ay magugulantang at magugulat ng lubos pagdating ng panahon.😮
📖Ituro mo sa kanila ang katotohanan sapagkat ito lamang ang makapagpapalaya sa kanila.- juan 8:32📖