24/09/2026
"WORST PRESIDENT"
Mr. President, with all due respect...
Simula naging presidente ka, ano ba talagang natupad?
Yung 20 pesos na bigas na pinangako mo? Nasaan na?
Hanggang ngayon 50, 60, 70 pa rin per kilo. Yung mahihirap dati isang kilo lang kaya, ngayon kalahati na lang.
Yung baha na sabi mo aayusin mo? Bakit tuwing uulan, lubog pa rin kami hanggang bewang?
Bilyones ang budget sa flood control, pero yung tubig baha mas mataas pa sa pangako mo.
Yung gasolina na sabi mo pabababain? Araw-araw pataas nang pataas.
Dati 500 pesos may pang-isang linggo na kami. Ngayon 500 pesos isang araw na lang, kulang pa.
Yung trabaho na sabi mo dadami? Bakit mas dumadami ang tambay at nag-a-abroad?
Kasi dito sa Pinas, pagod ka na, gutom ka pa.
Mr. President, with all due respect...
Lahat humirap simula naupo ka. Lalo na kaming mahihirap.
Kami yung sinabi mong iaangat mo, pero kami yung mas nilubog mo sa hirap.
Tignan mo kami:
Alas-kwatro pa lang gising na kami para makipag-unahan sa jeep.
Alas-singko siksikan na sa bus, parang sardinas.
Alas-sais lubog na sa baha, basa sapatos, basa pantalon, basa pangarap.
Alas-otso pagod na pagod na sa trabaho, pero yung sweldo kulang pa pambayad ng utang.
Pag-uwi namin gabi na, pagod, gutom, pero yung bulsa butas pa rin.
Samantalang kayo?
Naka-aircon kayo habang kami nasa traffic.
Nasa presscon kayo habang kami nasa baha.
Naka-kotse kayo habang kami nakasabit sa jeep.
Busog na busog kayo habang kami nagbibilang ng kanin.
Ghost project dito - bilyones.
Ghost project doon - bilyones.
Yung kaibigan mo may kontrata na bago, may bahay na bago, may kotse na bago.
Yung kababayan mo? Walang bigas, walang gamot, walang maayos na eskwelahan.
Saan napunta buwis namin?
Saan napunta pagod namin?
Mr. President, with all due respect...
Hindi kami reklamador. Ginawa mo lang kaming ganito.
Hindi kami tamad. Mahal lang lahat simula nung naupo ka.
Hindi kami nag-iinarte. Pagod na pagod na kasi kami.
Kung walang natupad sa pangako mo, hindi ba dapat ikaw ang mahiya?
Kung lahat ng mahihirap mas humirap, hindi ba dapat ikaw ang managot?
Pilipino kami, hindi kami bulag.
Kita namin kung sino yumayaman at kung sino naghihirap.
Kita namin kung sino nasa aircon at kung sino nasa baha.
Kita namin kung sino ang worst.
With all due respect, Mr. President...
Wala ka nang napatupad.
Wala ka nang naayos.
Puro presscon, puro pangako, puro ghost project.
Kaya sorry Mr. President, pero ito totoo:
WORST PRESIDENT SIMULA NUNG NAUPO KA - WALANG NATUPAD, LAHAT HUMIRAP, LALO NA KAMING MAHIHIRAP.
Gising ka na Mr. President. Kami gising na gising na sa hirap.
Hustle Over Slavery - H.O.S