26/03/2026
Mga Minamahal Naming Customer,
Ipinapaalam po namin na magkakaroon ng bahagyang pagtaas ng presyo sa aming menu simula March 30, 2026. Ito po ay dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa merkado tulad ng fuel at mga sangkap.
Ginawa po namin ang aming makakaya upang mapanatili ang aming presyo hangga’t maaari, at ang magiging pagtaas ay nasa humigit-kumulang 5–10% lamang sa piling items. Makakaasa po kayo na kapag bumalik na sa normal ang presyo sa merkado, kami rin ay mag-aadjust at magbababa ng aming mga presyo.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta. Inaasahan po namin kayong muling mapagsilbihan.
Lubos na gumagalang,
Miguel Delos Reyes
Pares Republic