27/02/2025
🎬 Lakbay
Ang mapait na kahapon, nagsilbing bangungot na gumuhit ng libag sa kanyang alaala, na dapat sana'y ibaon sa hukay ng limot, ay buong pusong niyakap at patuloy na isinama sa kanyang paglalakbay.
Sa kanyang pagpapatuloy, maibabalik pa ba ang kanyang mga yapak? O mas lulubog siya sa pagnanais na ipagpatuloy ang paglalakbay sa nakaraang hindi niya dapat ginambala.