03/10/2026
Happy Birthday to my wife, my partner, and the woman behind the success of Ayen Fam. ❤️
Hindi sapat ang salitang “Happy Birthday”para maipakita kung gaano ako nagpapasalamat sa’yo.
Ikaw ang utak at puso sa likod ng Ayen Fam. Pero higit pa doon, ikaw ang babaeng nanatili sa tabi ko through thick and thin, sa ups and downs, hanggang sa pinakamababang bahagi ng buhay ko. Hindi mo ako iniwan. Sa halip, lagi mo akong hinihikayat na lumaban, bumangon, at magsikap pa nang higit.
Bilang ina, ikaw ang klase ng nanay na inuuna ang mga anak bago ang sarili. Kahit pagod, nasasaktan o nahihirapan, patuloy kang lumalaban para sa pamilya. Laging iniisip ang kapakanan ng mga anak at hindi sumusuko para sa kanila.
Bilang boss, hands-on ka araw at gabi. Umulan man o umaraw, nagtatrabaho ka. Pero higit sa trabaho, ang malasakit mo sa mga kasama natin ang hindi ko makakalimutan. Lagi mong iniisip kung paano natin maiangat ang buhay ng bawat empleyado at ng kanilang mga pamilya.
Bilang kapamilya, hindi mo rin nakakalimutan ang mga kadugo at kamag-anak natin.Kapag may nangangailangan, hangga’t kaya mo, tumutulong ka. Hindi mo tinitingnan kung may kapalit o kung may makakaalam. Ang mahalaga sa’yo, may natulungan at may kahit kaunting ginhawang naibigay.
Bilang kaibigan, isa ka sa mga taong maaasahan. Kung may maitutulong ka, ginagawa mo. Kung may maiaambag ka, ibinibigay mo.
At sa mga suki natin, hindi lang kita at negosyo ang iniisip mo. Lagi mong iniisip ang kabuhayan at pamilya nila na sana may maiuwi silang pagkain, may maihain sa hapag kainan, at kahit sa maliit na paraan, makatulong ang Ayen sa kanilang buhay.
Marami kang ginagawa na hindi nakikita ng iba. Maraming pagod na hindi mo ipinapakita. Maraming sakripisyo na tahimik mong tinatanggap.
Pero ako, nakikita ko. At hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
Thank you for being the woman who stood beside me when life was at its hardest, the mother who always puts our children first, the boss who cares deeply for our people, the family member who never forgets those who need help, and the wife who continues to believe in us.
Happy Birthday, Mahal. ❤️
Sa lahat ng pinagdaanan natin at sa lahat ng pagdadaanan pa natin, gusto kong malaman mo na kasama mo ako.
I love you, and I am proud of you not only for what you have built, but for the kind of person you continue to be.
Happy Birthday, my love. ❤️
You are the heart behind Ayen, and the heart of our family.
Aileen Ang-angco Agustin