18/02/2026
Sa Criatório Indio Gigante Escalona Brothers , sa pakikipagtulungan sa Criatório IG Opkurs , patuloy po kaming nagsusumikap na makapaghatid ng de-kalidad at lehitimong mga linya ng Indio Gigante sa Pilipinas.
Lubos naming ipinagmamalaki na kami ang tahanan ng kumpletong variety line-ups ni Gilliard Martins , na direktang inangkat mula sa Brazil 🇧🇷:
✅ Traditional
✅ Racudo
✅ Polaco
Bukod dito, kami rin po ang nag-develop at nagpakilala sa bansa ng:
✅ Monstroline – Linyadang kilala sa matapang at malakas na ekspresyon ng mukha, may presensyang agad kapansin-pansin sa unang tingin.
✅ Polskie Polaco Gigante Line – Linyadang nagtataglay ng tunay na mukha at tangkad ng isang authentic na Polaco Gigante, may balanse ng taas, tindig, at karakter.
Ang mga linyang ito ay nagmula sa Criatório Oliveira at Galo Gigante Farm, sa tulong at kagandahang-loob ng Rare Rooster Acres Farm.
Hindi po kami kumikiling sa iisang variety lamang. Layunin namin ang maayos, responsable, at patas na pag-aalaga at pagpapaunlad ng bawat linya ng Indio Gigante, nang may paggalang sa pinagmulan nito at sa komunidad ng mga breeder.
Maraming salamat po sa patuloy na tiwala at suporta.
Escalona Brothers — Serbisyo, Integridad, at Tunay na Kalidad.