27/09/2026
𝗪𝗜𝗗𝗘𝗦𝗣𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗗𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛𝗧 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗦 🏜️
Dahil sa inaasahang patuloy na epekto ng "Very Strong" El Niño, inaasahang ang lubhang tuyong panahon sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na anim (6) na buwan.
Kasabay ng paghina ng , ang pangunahing nagdala ng ulan sa bansa nitong mga nakaraang buwan, malaking bahagi ng Luzon na ang inaasahang makakaranas ng mas tuyong panahon ngayong Oktubre 2026 na inaasahang lalala pa pagsapit ng Disyembre.
Pagpasok ng 2027, inaasahang halos buong bansa na ang makakaranas ng matinding kakulangan sa tubig-ulan, lalo na sa Luzon at Visayas, na malawakan na ang inaasahang "drought", ayon sa climate outlook ng PAGASA.
Ang kawalan ng ulan sa mga susunod na buwan ay posibleng magpalala ng krisis sa agrikultura, kakulangan sa suplay ng tubig at kuryente, at mas mainit na panahon. Maging handa po!