Barangay Dumayat 2327

Barangay Dumayat 2327 Angat Dumayat

Zone 7 clearing operation led by our Punong Barangay Hon. Rudilito R. Aliboyog,  along with our barangay councils and Cv...
20/08/2026

Zone 7 clearing operation led by our Punong Barangay Hon. Rudilito R. Aliboyog, along with our barangay councils and Cvo`s, who tirelessly assist in the betterment of our Barangay.

NOTICE TO THE PUBLIC
18/08/2026

NOTICE TO THE PUBLIC

π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—– π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬 | π—£π—›π—œπ—Ÿπ—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› 𝗠𝗔𝗦𝗦 π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ β€” π—£π—’π—¦π—§π—£π—’π—‘π—˜π——

Please be informed that the PhilHealth Mass Registration scheduled for August 19, 20, and 22, 2026 has been postponed due to the current weather conditions.

For everyone’s safety, please do not proceed to the registration venue on the scheduled dates.

πŸ“Œ Please wait for the official announcement of the new schedule.

Thank you for your understanding. Stay safe, Binalonians! πŸ’™

14/08/2026
14/08/2026

πŸ“’ BINALONIANs, BASAHIN MUNA NANG MAIGI BAGO MAGREKLAMO O MANISI.

Nauunawaan po namin na marami ang nagtatanong kung bakit wala ang kanilang pangalan sa listahan ng beneficiaries ng Rice Subsidy Program. Kaya nais naming ipaliwanag nang malinaw kung saan nanggaling ang masterlist at paano ito pinroseso.

Una sa lahat: WALANG β€œLISTA-LISTA.”

Hindi po gumawa ng sariling listahan ang Barangay.
Hindi po naglista si Kagawad o Kapitan.
Hindi po naglista ang BHW.
Hindi po naglista si Barangay Secretary.
At hindi rin po basta pumili ng pangalan ang LGU o MSWDO.

Ang ginamit nating pangunahing database, alinsunod sa guidelines at sa kasalukuyang paggamit ng Community-Based Monitoring System (CBMS) sa pagtukoy ng target beneficiaries, ay ang 2024 CBMS DATA.

Mula sa CBMS 2024, na-generate ang records ng ating vulnerable sectors:

πŸ‘¨β€πŸ¦½ 1,892 Persons with Disabilities (PWDs)
πŸ‘΄πŸ‘΅ 8,982 Senior Citizens
πŸ‘©β€πŸ‘§ 1,115 Solo Parents

Dagdag dito, nag-generate din tayo batay sa edad ng mga naging bagong Senior Citizens noong 2025–2026, na umabot sa humigit-kumulang 1,015.

Ibig sabihin, mahigit 13,000 records ng members ng vulnerable sectors ang kailangang iproseso at i-cross-match. Hindi ito simpleng pagkuha lamang ng pangalan sa isang listahan.

🏠 BAKIT KAILANGAN ANG CROSS-MATCHING?

Dahil malinaw ang patakaran:

ONE (1) BENEFICIARY PER HOUSEHOLD ONLY.

Kahit may Senior Citizen, PWD at Solo Parent sa iisang household, o kahit dalawa o higit pa ang Senior Citizens sa loob ng bahay, iisa lamang ang maaaring maging beneficiary ng household.

Kaya kino-cross-match ang mga pangalan gamit ang household information na nakasaad mismo sa 2024 CBMSβ€”batay sa impormasyong ibinigay noong kayo ay na-interview sa survey.

🌾 5,061 LAMANG ANG ALLOCATION MULA SA PROBINSYA

Ang allocation ng Provincial Government of Pangasinan para sa Binalonan ay 5,061 beneficiaries, at ito ay inilaan natin para sa ating Senior Citizens.

Ngunit tandaan: maraming Senior Citizens ang maaari ring naka-tag bilang PWD at Solo Parent, kaya sila ay napabilang sa listahan ng beneficiary naman sa LGSF ng LGU Binalonan. Hintayin lamang ang implementasyon nito.

Sa isinagawang cross-matching, nasa humigit-kumulang 600 na records ng 4Ps at UPLIFT beneficiaries ang natukoy at inalis mula sa listahan dahil ang mga household na ito ay kasalukuyan nang tumatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Ang 4Ps households ay tumatanggap po ng rice subsidy at iba pang assistance mula sa DSWD.

Kaya mahalaga ang cross-matching upang maiwasan ang duplication at mabigyan ng pagkakataon ang iba pang households na hindi pa nakatatanggap ng katulad na tulong.

❓ β€œSENIOR/PWD/SOLO PARENT AKO, BAKIT WALA ANG PANGALAN KO?”

Kung wala talaga ang inyong pangalan sa generated CBMS records, isa sa mga dapat munang alamin ay:

Nagpa-interview po ba kayo noong 2024 CBMS Survey?

Ang CBMS interview ay hindi sapilitan. Kung hindi po kayo nagpa-interview, hindi pumayag na mapasama sa survey, o wala ang inyong household/person record sa CBMS 2024, wala rin pong record na maaaring i-generate mula sa database para maisama sa prosesong ito.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang makipagtulungan tayo tuwing may CBMS, PSA surveys, validation, registration at data updating na isinasagawa ng pamahalaan. Ang impormasyong ibinibigay natin ngayon ang maaaring maging basehan ng mga programa at serbisyo sa hinaharap.

❀️ WALANG PALAKASAN. WALANG PINIPILING PABORITO.

Ang MSWDO ay nagproseso lamang ng records ayon sa available government data, allocation at guidelines.

Kaya bago po natin sisihin ang Barangay, si Kapitan, BHW, Secretary, MSWDO o ang LGU, alamin muna natin kung ano ang policy at kung ano ang nakasaad sa ating records.

May limitasyon ang pondo at allocation. Hindi man kayang mabigyan nang sabay-sabay ang lahat ng kabilang sa vulnerable sectors, sinisikap nating maging patas, objective at records-based ang pagpili upang mas maraming sambahayan ang makinabang.

Hindi po reklamo ang problema, karapatan ninyong magtanong at humingi ng paliwanag. Ang hinihiling lamang namin ay basahin muna ang impormasyon, magtanong nang maayos, at alamin ang proseso bago manisi.

Ginagawa lamang po ng ating mga kawani ang kanilang trabaho ayon sa guidelines at records. Sana ay samahan ninyo kami sa pamamagitan ng pakikipag-cooperate at pagbibigay ng tama at kumpletong impormasyon tuwing may government survey, validation at updating.

Walang lista-lista. Walang palakasan.
CBMS DATA + CROSS-MATCHING + GUIDELINES + AVAILABLE ALLOCATION ang naging batayan.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. πŸ’šπŸŒΎ

13/08/2026
Rice Subsidy Distribution For our Senior Citizen's base on 2024 CBMsHeaded our Punong Barangay Hon RUDILITO R ALIBOYOG a...
13/08/2026

Rice Subsidy Distribution
For our Senior Citizen's base on 2024 CBMs
Headed our Punong Barangay Hon RUDILITO R ALIBOYOG and to our Barangay Councils, DUMAYATINIAS extends our heartfelt gratitude to our beloved
Governor Ramon Mon Mon Guico III, and to our Congressman Ramon Monching Guico Jr,
and to our Mayor Ramon RG Guico IV ,
and to our Vice Mayor, Louie R Balangue
And to our Provincial Administrator Luis Manny Jr. ,
, to our Councilors:
Brenda Paderes ,
Carl Joseph Patawaran ,
Willam Aradanas,
Colyjuan Delos Santos
,Arturo Romua
Renato Legaspi
Domingo Rivera
Maam Vanessa Patague
And to our DSWDO Family
Senior Citizen's family.....
to our BHWs
to our CVO's

(08-12-26)MRSIAMeasles -Rubella Supplement Immunization Activity 6-59 months (Under 5 years old)Dumayat DoneThank you πŸ™πŸ»...
13/08/2026

(08-12-26)
MRSIA
Measles -Rubella Supplement Immunization Activity
6-59 months
(Under 5 years old)

Dumayat Done
Thank you πŸ™πŸ» Ma'am Dianne
Maam Joann
Sir Pol Dar
RHU family

DUMAYATINIAS......Rice Program Actual Distribution Is READY......ALL SENIORS WHO HAVE THEIR NAMES ON MASTER LIST PLEASE ...
13/08/2026

DUMAYATINIAS......
Rice Program Actual Distribution
Is READY......
ALL SENIORS WHO HAVE THEIR NAMES ON MASTER LIST PLEASE COME AND CLAIM YOUR RICE SUBSIDY...

WHERE: STA. MARIA ELEMENTARY COVERED COURT
WHEN: AUGUST 13,2026
TIME: 1:00 PM
REQUIREMENTS: 1 XEROX VALID ID WITH 3 SPICEM SIGNATURE.....

NOTE..........
Kung Hindi Po available or HIndi Po kaya ni BENEFICIARY na mkapunta Po,,, We allowed REPRESENTATIVE Po, just bring 1XEROX OF VALID ID ni BENEFICIARY then 1 XEROX ID ni REPRESENTATIVE WITH 3 SPICEM SIGNATURE PO........

SEE YOU ALL THEIR......

12/08/2026

Address

Dumayat
Binalonan
2436

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Dumayat 2327 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category