02/09/2025
Ang mahal na ng bigas, ang hirap pa ng stocks. Ang layo ng supplier at van lang ang service namin pang pickup (minsan lugi pa sa gas at pagod kapag konti lang nakuha stocks) sabi ko ititigil ko na to kaso ang daming suki na nangungulit magpadeliver, nahihiya ako kapag wala kami restock 😂 Chineck ko list ng sold namin nakaka 65-100 sacks din pala per month akala ko tumal. Thank you Lord sa negosyong to! Nagagawa ko din makatulong mag provide ng makakain sa mga walang pambili on the spot. 🙏🥰 Salamat sa sumusuporta at nagpapatuloy padin ang maliit na negosyo naming ito. 💗
Ilan lang to sa mga pictures ng sold, kasi minsan nakakalimutan ko na mag picture 😆
Thank you po! 🥰