14/02/2022
Hindi madali ang mag tayo ng business. Maraming dapat iconsider. Maraming sakripisyo ang dapat mong gawin.
Pinagdaanan naming mahirapan humanap ng pagpupwestuhan.
Nandyang kailangan gumising ng maagang maaga para magtimpla ng ititinda. Kahit kulang ang tulog dahil kailangan pang kumota sa axie pero ayos lang.
AXIE - JAPANESE CAKE - UKAY
HUSTLE KUNG HUSTLE!
Tirik ang araw, o malakas ang ulan. Magtitinda pa din.
Kumikita ka man, kailangan pa din magtipid para makapagbayad ng bills at iba pang pangangailangan.
Magdedeliver ng mga order ng customer mula Bocaue hanggang Meycauayan.
Mararamdaman mong pagod na pagod na ang katawang tao mo.
Pero worth it ang lahat ng pagod.
Maligayang Araw ng mga puso! Maligaya din ang aming mga puso dahil masasabi ko na unti unti na ng nagiging successful ang business na naisip namin.
February 13, 2022 nagbuksan na ang aming second branch. 🥺
Nagsimula ang aming business ng December 9, 2021. Sa pagtitipid, sipag at tiyaga. Konting panahon lang ay nabuksan na agad ang aming second branch.
Totoo talagang kapag si Lord ang kumilos, walang magiging problema. Hindi ikaw ang magdedesisyon, kung kailan at saan dahil siya lang ang nakakaalam.
Maraming Salamat sa lahat ng order niyo! Kung hindi dahil sa inyo ay hindi mangyayari ito. At lalo na sa mga taong sumuporta mula simula! ❤️
Ngayon naman ay balak na din namin na magtinda ng mga preloved, branded, ukay na damit. Please! Follow our Fb Page guys https://m.facebook.com/ffapparel13
Ika nga nila small win is still a win!
Wag po sana kayong magsawang sumuporta!