16/09/2026
Sobrang patas niyo, MMDA. Sa sobrang patas, parang may dalawang klase ng traffic rules.
April 2024 — MMDA traffic enforcer na dumaan sa EDSA Busway? Sinibak.
Mabilis ang aksyon. Mabilis ang accountability. Low-rank kasi, kaya madaling tanggalin sa pwesto.
Fast-forward to 2026. — MMDA General Manager Nicolas Torre III, dumaan sa EDSA Busway gamit ang sarili niyang SUV na ginawa niyang marked vehicle at nilagyan ng plates na iniimbestigahang may tampering.
Ang ending?
₱14,000 na multa. Lesson learned. Tapos trabaho ulit.
Wow.
So apparently, kapag traffic enforcer, zero tolerance.
Kapag General Manager, zero? Tolerance? Parang may terms and conditions pala.
At ito ang paliwanag ni GM Torre:
“Ang patrol car ay simbolo ng presensya ng gobyerno.”
Beautiful.
Pero may maliit na legal problem sa logic.
Personal vehicle ang SUV. Hindi ito government-owned patrol car. Ginawa lang itong marked vehicle para magmukhang official government vehicle.
At kahit ginagamit ito para sa official duty, hindi ibig sabihin nito na automatic na exempted na ito sa traffic rules.
At lalo nang hindi nito ginagawang legal ang anumang paglabag sa registration o plate rules.
Kung talagang official duty, then fine.
Ipakita ang batas. Ipakita ang exemption. Ipakita kung sino ang nag-authorize.
Dahil ang tanong dito ay hindi kung importante ang patrol vehicle.
Ang tanong:
May privilege ba ang isang MMDA General Manager na wala sa ordinaryong MMDA traffic enforcer?
Kung wala, bakit magkaiba ang naging consequence?
Kung bawal sa enforcer, dapat bawal din sa General Manager.
Kung sapat ang paglabag para sibakin ang nasa mababang ranggo, bakit hindi man lang umabot sa parehong antas ang accountability ng nasa pinakamataas na posisyon?
At tungkol naman sa plates, hindi ito simpleng “lesson learned” issue kung talagang mapapatunayang may paglabag sa batas.
Batas ang pinag-uusapan. Hindi seminar. Hindi character development. Hindi traffic refresher course.
Kaya MMDA, huwag nating gawing philosophical debate ang isang simpleng tanong:
Pareho ba ang batas para sa lahat?
Because if the answer is yes, then act like it.
Dahil ang tunay na simbolo ng presensya ng gobyerno ay hindi ang patrol car.
Accountability.
At kung ang ordinaryong enforcer ay puwedeng mawalan ng trabaho dahil sa traffic violation, pero ang General Manager ay puwedeng manatili sa pwesto matapos ang mas seryosong alegasyon, ang problema ay hindi na kung sino ang puwedeng dumaan sa Busway.
Ang problema: sino ang may pribilehiyong hindi sumunod?
Mag-resign ka na lang, GM Nicolas Torre III.
From PNP Chief, naging MMDA General Manager, hanggang sa naging General Problem.
Kung ang accountability ay para lang sa mababa ang ranggo, hindi na ito pamamahala.
Palusot na lang. Nakakasawa at nakakasuka na.