20/08/2026
𝐃𝐎𝐁𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐏𝐈𝐃 𝐀𝐓 𝐒𝐎𝐋𝐔𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍, 𝐁𝐔𝐊𝐈𝐃, 𝐀𝐓 𝐇𝐀𝐘𝐔𝐏𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐏𝐎𝐍! 🌾🧪
Mga Ka-Barangay at Ka-Agri! Huwebes ngayon kaya magsasama-sama tayo mamaya para sa dalawang napakapraktikal na demo na malaki ang maitutulong sa ating gastusin at kabuhayan!
𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧, 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) | 𝟑:𝟎𝟎 𝐏𝐌, sa 𝐂𝐀𝐒𝐎 𝐇𝐮𝐛 𝐒𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐢 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫, 𝐙𝐨𝐧𝐞 𝐕, Iba, Zambales, ating aaralin nang LIBRE:
𝐒𝐢𝐥𝐚𝐠𝐞 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐦𝐨 – Iwas-gastos sa feeds, iwas-bawas sa kita! Alamin ang tamang paraan ng paggawa at pag-iimbak ng silage para matiyak ang tuloy-tuloy at masustansyang supply ng pakain sa mga alagang baka, kambing, at kalabaw, tag-ulan man o tag-araw!
𝐄𝐌-𝟏 & 𝐄𝐌-𝟐 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐦𝐨 – Alamin ang natural at murang teknolohiya ng Effective Microorganisms na mabisang pampataba sa pananim, mabilis na pantanggal ng masasamang amoy sa paligid at kulungan, at dagdag-resistensya para sa ating mga alagang hayop!