08/09/2026
NOTICE TO US ALL -most especially to our dear clients/partners :
"Pagpapatupad ng regulasyon sa plastic bags at pagbabawal sa styrofoam packaging.
*15day public notice and compliance period Sept 8-22
*full enforcement on Sept 23,
2026 "
****PLEASE BRING ECO-BAG/BAYONG/REUSABLE BAG WHEN BUYING OUR PRODUCE.
♡
Pinmi.hydroponics
PABATID SA PUBLIKO
(PUBLIC NOTICE)
PAGPAPATUPAD NG REGULASYON SA PLASTIC BAGS AT PAGBABAWAL SA STYROFOAM PACKAGING
15-DAY PUBLIC NOTICE AND COMPLIANCE PERIOD
8-22 September 2026 | Full Enforcement: 23 September 2026
Ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng Buhi na sisimulan ang full enforcement ng umiiral na regulasyon sa plastic bags at pagbabawal sa styrofoam packaging alinsunod sa Municipal Ordinance No. 11-114, Municipal Ordinance No. 21-247 o Buhi Environment Code, at sa approved Implementing Guidelines.
Ang 8-22 September 2026 ay labinlimang araw na final public notice, information campaign at compliance period. Sa panahong ito, bibigyan ng orientation at pagkakataong makapaghanda ang mga tindahan, vendors, restaurants, schools, offices at iba pang covered establishments.
Magsisimula ang full enforcement sa 23 September 2026.
IPINAGBABAWAL
- Plastic bag na ibinibigay o ibinebenta ng tindahan para sa dry goods.
- Pangalawang plastic bag para sa wet goods na nakalagay na sa primary packaging.
- Styrofoam food box, cup, plate, tray at katulad na packaging o lalagyan.
- Pagtatapon ng plastic o styrofoam sa lawa, ilog, sapa, kanal, kalsada at ibang bawal na lugar.
PINAPAYAGAN
- Isang kinakailangang primary plastic bag para sa sariwang isda, karne at katulad na wet goods.
- Sariling dalang bag o lalagyan ng customer, alinsunod sa sanitation requirements.
- Paper bag, carton, bayong, cloth bag, reusable eco-bag at iba pang legal na alternatibo.
- Orihinal na sealed packaging ng manufacturer, basta walang idadagdag na bawal na carryout bag.
MAHALAGANG PAALALA
Hindi nagiging legal ang bawal na plastic bag o styrofoam dahil lamang ito ay binayaran ng customer.
Ang wet goods na nasa primary plastic bag ay dapat ilagay sa bayong, eco-bag o reusable container, hindi sa isa pang plastic bag.
Lahat ng covered establishments ay kailangang maglagay ng official compliance notice at ipaliwanag ang patakaran sa kanilang mga empleyado.
Sa notice period, compliance checking at correction muna ang pangunahing gagawin. Simula 21 September 2026, maaari nang mag-isyu ng notices/citations at ipatupad ang penalties sa ilalim ng ordinansa, subject to due process.
MGA MULTA SA ILALIM NG BUHI ENVIRONMENT CODE
Sino: Indibidwal
Unang Paglabag: PHP 500
Ikalawang Paglabag: PHP 1,000
Ikatlo / Iba pa: PHP 1,500 at/o imprisonment not exceeding 6 months, ayon sa hukuman.
Sino: Business establishment
Unang Paglabag: PHP 1,500
Ikalawang Paglabag: PHP 2,500
Ikatlo / Iba pa: License action o closure only when authorized and after due process.
Saklaw nito ang public at private markets, vendors, groceries, sari-sari stores, restaurants, eateries, bakeries, food stalls, hardware stores, pharmacies, schools, offices, resorts, municipal facilities at iba pang establishments sa buong Bayan ng Buhi.
Para sa paglilinaw at compliance assistance, makipag-ugnayan sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipality of Buhi.
Issued this 8th day of September 2026 in the Municipality of Buhi, Camarines Sur.
BY AUTHORITY OF THE MUNICIPAL MAYOR:
EDWIN C. SALVAMANTE, EnP
MGDH I (MENRO)