Unfiltered Mims

Directions

Unfiltered Mims “Perfect people don’t exist. Real people make mistakes, learn, heal, and grow.”

✨ WELCOME TO UNFILTERED MIMS ✨
No filters. No pretenses.

Just real life, real thoughts, real moments. 🤍

“Hindi ka late. Dumating ka sa panahong pareho na tayong handang magmahal nang tama. 🤍🥺 Minsan pala, kailangan muna nati...
06/10/2026

“Hindi ka late. Dumating ka sa panahong pareho na tayong handang magmahal nang tama. 🤍🥺 Minsan pala, kailangan muna nating maligaw bago tayo dalhin ni Lord sa taong para talaga sa atin. ❤️✨
”

“Minsan, kahit alam mong hindi na ikaw ang pinili, may parte pa rin sa’yo na umaasa… na sana, ikaw na lang. 🥺🖤Masakit no...
03/10/2026

“Minsan, kahit alam mong hindi na ikaw ang pinili, may parte pa rin sa’yo na umaasa… na sana, ikaw na lang. 🥺🖤
Masakit no? Yung taong gusto mong makasama, hawak na ng iba—pero puso mo, siya pa rin.”

“May mga pagmamahal talagang dumadating sa maling panahon…Hindi man tayo ang tamang kwento para sa isa’t isa, hindi ko k...
03/10/2026

“May mga pagmamahal talagang dumadating sa maling panahon…
Hindi man tayo ang tamang kwento para sa isa’t isa, hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal kita. Sa’yo ko naramdaman na may taong nakikita ang halaga ko, ipinagmamalaki ako, pinaparamdam na maganda at sapat ako.
Siguro iyon ang pinakamahirap—mahal natin ang isa’t isa, pero hindi natin kayang piliin ang isa’t isa nang malaya. Kaya sa likod ng mga tahimik na sandali at patagong pagmamahalan, patuloy tayong kumakapit kahit alam nating masakit.
Minsan, hindi naman kulang ang pagmamahal… mali lang talaga ang pagkakataon. 🥺🖤

Minsan hindi naman natin hinihingi na maging atin sila habang-buhay. Gusto lang natin maramdaman na kahit sandali, nagin...
29/09/2026

Minsan hindi naman natin hinihingi na maging atin sila habang-buhay. Gusto lang natin maramdaman na kahit sandali, naging totoo rin yung pagmamahal.
Ang hirap bitawan ng taong minahal mo nang buong puso, lalo na kung alam mong may parte sa’yo na umaasa pa rin. Pero darating din yung araw na maiintindihan mong may mga pagmamahal na kahit totoo, hindi talaga para ipaglaban.
Masakit, pero minsan ang pinakamahirap na pagpapaalam ay yung kailangan mong gawin para sa sarili mo. 🥺🤍

Hindi pala kailangan ng perpektong buhay para masabing masaya. Minsan, sapat na yung tahimik na puso, pamilyang kasama m...
29/09/2026

Hindi pala kailangan ng perpektong buhay para masabing masaya. Minsan, sapat na yung tahimik na puso, pamilyang kasama mo, mga taong tunay na nagmamahal sa’yo, at buhay na kahit maraming pagsubok—pinipili mo pa ring ipagpasalamat. 🤍

Sa dami ng pinagdaanan, natutunan kong ang tunay na blessing ay hindi laging nasusukat sa pera o bagay. Minsan, ito’y peace of mind, good health, at mga taong hindi ka iiwan sa hirap. 🥺✨

Ikaw, ano ang tunay na blessing na pinapasalamatan mo ngayon? 💭

Address

Perpektong Mundo
Bulacan
3020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unfiltered Mims posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share