26/11/2025
Moon's Delight Delicacies will be participating on this. Mas barato compare sa normal prices, kaya kita-kits!
KADIWA PROGRAM, ILULUNSAD SA BAYAN NG BULAN BILANG SUPORTA SA MGA LOKAL NA MAGSASAKA
BULAN, Sorsogon โ Maglulunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Bulan sa tulong ng Municipal Agriculture Office ng isang KADIWA activity bilang bahagi ng kanilang programa para tulungan ang mga lokal na magsasaka at bigyan ang publiko ng abot-kayang bilihin.
Ang KADIWA, o โKatuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita,โ ay isang inisyatiba ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Agriculture na naglalayong direktang pagdugtungin ang mga food producersโkabilang ang mga magsasaka at mangingisdaโsa mga mamimili. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang patong sa presyo at natitiyak na makakakuha ang mga mamimili ng sariwa at kalidad na produkto sa mas murang halaga, habang mas mataas at patas na kita ang naiuuwi ng mga lokal na magsasaka.
Inaasahang makikilahok ang ibaโt ibang samahan ng magsasaka mula sa ibaโt ibang barangay ng Bulan upang maibenta ang kanilang ani tulad ng gulay, prutas, bigas, at iba pang produktong agrikultural. Gaganapin ang unang KADIWA activity sa darating na Disyembre 1, 2025 sa Bulan Freedom Park, at magiging regular na aktibidad tuwing ika-1 at ika-16 ng bawat buwan.
Hinihikayat ng LGU Bulan ang publiko na suportahan ang naturang aktibidad upang higit na mapalakas ang lokal na sektor ng agrikultura at matulungan ang mga magsasaka ng bayan.
Para sa mga magsasakang may katanungan, bukas ang opisina ng Municipal Agriculture para sa karagdagang impormasyon.