07/07/2026
Today, may nasaksihan ako na talagang nakadurog ng puso ko.
Isang egg farmer ang nakikipag-negotiate sa isang buyer.
Ang presyo niya ay ₱7.00 kada itlog—presyo na halos sapat lang para mabawi ang gastos sa feeds, gamot, kuryente, pasahod sa mga bantay, at mga nalulugi dahil sa namamatay na manok.
Pero gusto pa ring tawaran.
"Pwede ₱5.50 nalang? Mahal man gud."
Hindi nakipagtalo ang farmer.
Ngumiti lang siya.
Hindi dahil pumayag siya, kundi dahil alam niyang kapag tumanggi siya, lilipat lang ang buyer sa ibang supplier.
Hindi tulad ng ibang produkto, hindi pwedeng hintayin ang itlog.
Araw-araw nangingitlog ang mga manok.
Araw-araw nadadagdagan ang hindi nabebentang itlog.
At araw-araw din, tuloy ang gastos.
Kailangang bumili ng feeds.
Magbayad ng empleyado.
Magbayad ng kuryente.
Bilang isang nEGgosyante, honestly, gusto kong maiyak.
Kapag tumaas lang ng kaunti ang presyo ng itlog, ang unang naririnig natin ay,
"Grabe naman kamahal hit bonay."
Pero bihira nating itanong...
Bakit?
Hindi nakikita ng karamihan ang mga gabing walang tulog kapag biglang nagkaroon ng sakit ang mga alagang manok.
Hindi nila nakikita ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng feeds.
Hindi nila nakikita ang gastos sa gamot, maintenance, diesel, kuryente, at iba pang pangangailangan para mapanatiling buhay at malusog ang libo-libong manok.
Ang nakikita lang ng marami...
Ang presyo.
Hindi ang tunay na halaga ng bawat itlog.
Ang masakit na katotohanan...
Hindi pwedeng tumigil ang egg farmer sa production kapag bumagsak ang presyo.
Bukas, mangingitlog pa rin ang mga manok.
Sa makalawa...
At sa susunod pang mga araw.
Pero ang gastos, tuloy-tuloy din.
Kapag mas mababa ang farmgate price kaysa sa production cost, bawat tray na naibebenta ay parang dagdag na lugi.
Pero bakit tuloy pa rin sila?
Dahil ang paghinto ay maaaring mangahulugan ng pagkawala ng kanilang kabuhayan at ng lahat ng pinaghirapan nila.
Sa likod ng bawat tray ng itlog ay isang pamilyang nagsakripisyo ng oras, tulog, panahon kasama ang pamilya, at madalas pati ang kanilang ipon—para lamang makapagbigay ng ligtas, sariwa, at abot-kayang pagkain sa ating lahat.
Kaya bago natin sabihin,
"Mahal gud it Bonay."
Tanungin muna natin ang ating sarili.
Kung ikaw ang gumastos ng milyon-milyong piso para sa poultry farm, gumigising bago sumikat ang araw, nagtatrabaho kahit walang weekend o holiday, nag-aalaga ng libo-libong manok, at araw-araw hinaharap ang panganib ng sakit, pagtaas ng presyo ng feeds, at pabago-bagong presyo sa merkado... papayag ka bang ibenta ang iyong itlog nang halos wala ka nang kinikita?
Ang egg farmers ay hindi humihingi ng awa.
Humihingi sila ng patas na pagkakataon.
At gusto ko ring linawin...
Hindi ito paninisi sa mga buyers o market vendors.
Alam kong bawat pamilyang Pilipino ay nagsisikap ding pagkasyahin ang kanilang budget, at ang ating mga market vendors ay naghahanap lang din ng marangal na kabuhayan.
Ang totoo, pare-pareho tayong apektado—ang farmers, vendors, at consumers.
Kung gusto nating manatiling abot-kaya ang presyo ng itlog, kailangan din nating tiyakin na kaya pang magpatuloy ng ating mga egg farmers.
Ang patas na presyo ay hindi dapat ikalugi ng farmer, vendor, o consumer.
Dahil ang food security ay nagsisimula sa ating mga magsasaka at egg farmers, ngunit magiging posible lamang ito kung patas ang pagtingin at pagtrato natin sa bawat isa sa food supply chain.
Respetohin ang ating egg farmers.
Suportahan ang ating egg farmers.
Pahalagahan natin ang mga taong nagpapakain sa ating bayan.
No Farmers. No Food. No Future. 🥚💚