21/04/2026
Alam nyo ba na ang paa ng manok ay mayaman din sa protina at calcium. Ang protina ay suporta sa kanilang paglaki at ang calcium naman ay suporta para sa kanilang pag papalit ng exoskeleton kaya maganda itong ipakain sa ating mga alagang crayfish pero dapat in moderation lang.
Bakit??
Kasi mabilis mabulok ang karne lalo na kung itoy sariwa. Kaya kung mapapabayaan mo ang mga tira-tira nilang pagkain magkakaron ng ammonia at nitrate spike sa tubig nila. Kaya kung may tira sila dapat mong alisin.
(Yung binigay ko po pinakuluan ko)