19/08/2026
Sa pagtatapos ng 2026 Child Development Workers Convention, naging emosyonal ang ilang Day Care Workers nang hilinging lapitan nila ang kanilang Child Development Coordinator Mam Victoria Agquiz Mued at mga kasamahan upang magbigay ng yakap bilang simbolo ng pasasalamat, pagmamahal, at pagkakaisa.
Ang simpleng sandaling ito ay nagpakita ng malalim na samahan, suporta, at pagpapahalaga ng bawat isa sa kanilang sama-samang paglalakbay bilang tagapagtaguyod ng mga bata at komunidad.
Nawaβy ang convention na ito ay magsilbing inspirasyon upang lalo pa kayong maging matatag, patuloy na magkaisa, at higit pang pagbutihin ang inyong paglilingkod bilang mga Child Development Workers. Nawaβy dalhin ninyo ang mga natutunan, karanasan, at mga alaala mula sa pagtitipong ito bilang lakas at gabay sa patuloy na paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan.
Ang lokal na Pamahalaan ng Busuanga sa Pangunguna ni Mayor Raymond Emil A Cruz at Mswdo Head Mam Divina Gracia Dulce at ang Inyong Child Coordinator Mam Victoria Mued ay Patuloy na naka suporta sa Early Childhood Care Development ECCD Program ng Busuanga ππ