28/01/2026
ππ₯ππ¬πππ₯ π‘π π‘πππ£πππ’ππ πππ‘π, πππ‘ππ₯ππ-π£ππ§ππ¬ π¦π πππππππ‘, ππ¦πππππ
SANTIAGO CITY- Pinagbabaril-patay ang isang truck driver matapos nitong magpaload sa isang tindahan gabi nitong Enero 22, 2026 sa Barangay Maggasi, Cabagan, Isabela.
Kinilala ang biktima na si alyas βDomengβ, 37-anyos at residente ng Cauayan City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang truck kasama ang apat (4) na iba pa para kunin ang mga bibilhing kalakal.
Sa kwento ng pamilya ng biktima na tumanggi nang magpatape-interview, batay sa salaysay ng anak ng biktima, huminto ang kanilang sasakyan para magpaload ang kaniyang ama nang maganap ang pamamaril.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ng hindi pa matukoy na kalibre ang biktima na dahilan ng agad nitong pagkasawi.
Ayon kay PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng PNP Cabagan, hindi pa rin tukoy ang motibo sa krimen habang patuloy ang pagkalap ng impormasyon ng pulisya para makatulong sa ikalulutas ng kaso.
Palaisipan rin sa pamilya ang ginawang pagpatay sa biktima dahil wala umano silang alam na nakaalitan nito.
Credit
Photo: For illustration only