28/07/2026
Ang karapatan ng isang mamimili na humingi ng refund, kapalit (replacement), o pagkukumpuni (repair) ay karaniwang naaangkop lamang kung ang produkto ay:
1. May depekto (defective),
2. kontaminado o hindi ligtas gamitin (adulterated),
3. Paso o expired na,
4. Hindi tumutugma sa paglalarawan o ipinangako ng nagbenta o hindi nakakatugon sa mga pamantayan ng batas sa proteksyon ng mamimili.
Kung ang gamot ay eksaktong katulad ng ipinaliwanag at ipinakita sa customer, at alam at tinanggap niya na ibang brand ang ibibigay bilang alternatibo, ito ay karaniwang hindi sapat na dahilan upang obligahin ang botika na magbigay ng refund.
Ang mga gamot ay iba sa karaniwang produktong ibinebenta sa mga tindahan. Kapag nailabas na ang gamot mula sa botika, hindi na matitiyak ang tamang pag-iimbak at tamang paghawak dito. Dahil dito, para sa kaligtasan ng pasyente, hindi dapat tumanggap ang mga botika ng ibinalik na gamot para muling ibenta, maliban lamang sa mga limitadong sitwasyon gaya ng:
1. Nagkamali ang botika sa pagdi-dispense (maling gamot, lakas o dosage, dosage form, o dami)
2. May product recall
3. May depekto o sira ang produkto
4. May ibang sitwasyong hinihingi ng batas o ng manufacturer.
Ito ay hindi lamang usapin ng kaligtasan ng pasyente, kundi pati na rin ng pagsunod sa mga regulasyon.
Halimbawa, ipagpalagay na ganito ang nangyari:
Humingi ang customer ng Brand A.
Ipinaliwanag ninyo na walang stock ang Brand A.
Nag-alok kayo ng Brand B na may parehong generic ingredient.
Pumayag ang customer.
Naidispense nang tama ang gamot.
Pagkaraan, bumalik ang customer at sinabi na Brand A lang pala talaga ang gusto niya.
Sa ganitong sitwasyon, karaniwang may sapat na batayan ang botika upang tanggihan ang pagbabalik ng gamot, dahil:
naipaliwanag na sa customer bago ang pagbili na ibang brand ang ibibigay;
pumayag ang customer sa pagpapalit ng brand;
walang depekto ang produkto; at
nailabas na ang gamot mula sa pangangalaga at kontrol ng botika.
Kaya bago bumili:
β’ Siguraduhing tama ang produktong kukunin.
β’ I-check ang expiration date.
β’ Itanong ang return or exchange policy ng tindahan.
Maging mapanuri at protektado, Konsyumer! π«Άπ