27/08/2026
🥰
Half-Cup Rice ordinance, ipinatutupad na sa Cabatuan, Iloilo para mabawasan ang pag-aaksaya ng kanin! 🍚
Sa ilalim ng Executive Order No. 60, inaatasan ang lahat ng food establishments sa Cabatuan, Iloilo na isama at mag-alok ng half-cup rice serving at malinaw itong ipaalam sa mga customer sa pamamagitan ng menu listings at in-store promotions.
Layunin nito na maiwasan ang aksaya habang natutulungan din makatipid ang mga may diabetes, nagpapapayat, at mahinang kumain.
Katuwang ang DA-PhilRice Negros, magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Cabatuan ng mga inisyatibong maghihikayat sa mga mamamayan na maging RICEponsible sa pamamagitan ng pagsunod sa mensahe nito:
A-avoid rice wastage
B-buy our farmers’ rice
C-choose healthier rice
Pinag-aaralan din ang pagbibigay ng mga insentibo at pagkilala sa mga establisyementong sumusunod sa ordinansa.