27/03/2026
Magandang umaga po sa aming mga BOSS/MADAM.
Nais po naming ipaalam na, sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sinikap po naming iwasan ang pagtaas ng presyo upang patuloy namin kayong ma-accommodate. Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon, kinakailangan po muna naming ihinto pansamantala ang aming UNLI RICE/UNLI RICE with Softdrinks upang mapanatili ang operasyon ng aming maliit na paresan.
Lubos po kaming humihingi ng inyong pag-unawa at taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta sa aming negosyo.
Maraming salamat po and GOD bless you all