15/04/2026
Real Experience sharing π
Kami: "nagdedeliver po kami ng chicharon at fish cracker, baka po gusto nyo pang tinda π"
Tindahan 1: ay hindi po, hindi po yan malakas dito sa lugar namin, aabutin lang yan ng kunat
Senaryo after nya tumanggi: may bumili samin na lumabas ng bahay sa tabi ng tindahan nya at bumili samin, at may iba ding lumapit pra bumili.
Yung kasunod nyang tindahan ilang bahay lang ang pagitan sa tindahan nya, naka ilang order na samin kasi malakas daw sa kanya pareho yung fish cracker at chicharon
Lesson: Sa negosyo, hindi natin malalaman kung malakas o hindi kung hindi natin susubukan, salute sa mga nagtry kahit ilang piraso lang muna tapos mas marami na order nya nung sumunod kasi nalaman nyang ok ang benta nya π
Salamat po sa mga suki, almost sold out ulit tayo kahapon, yung isang plastic na natira nakareserve na π sa magtatanung 10 pcs fish cracker at 10 pcs chicharon nlng po available as of now.
Again, Maraming maraming salamat po π
Pm lang po sa oorder, para ma sched po natin kung medyo malayo kayo, free delivery po depende sa layo ng lugar at kung minimum order π