29/07/2026
Eto yun sabi nmn e hahaha
ICYMI | MAAYOS NA PAGGASTA NG OVP
Muling ginawaran ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Vice President (OVP) ng "unmodified opinion" para sa kanilang 2025 financial statements, na nagtatala ng ikaapat na sunod-sunod na taon ng pagkamit ng naturang paborableng rating sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ang ganitong uri ng audit rating ay nangangahulugang sumunod sa tamang accounting standards at financial reporting framework ang mga dokumento ng OVP.
Ayon sa OVP, ang pagkakaloob ng mataas na rating na ito at ang pagtatala ng mataas na budget utilization rate ay malinaw na patunay na maayos, legal, at wasto ang pamamahala at paggasta ng ahensiya sa kanilang pondo.