19/01/2026
‼️‼️Important Announcement‼️‼️
Alam namin na marami ang naghahanap at nagtataka kung nasaan na kami.
Humihingi po kami ng paumanhin at pang-unawa, pero ito na po… simula
January 20, 2026 (Tuesday)
Masakit man sabihin… pero minsan kailangan talagang magpaalam.
Ang minahal nating munting tindahan ay pansamantala na nating isasara — hindi dahil sa kakulangan ng pagmamahal, kundi dahil wala na munang mag-aasikaso nito.
Lingid sa kaalaman ng marami, sobrang hands-on ang may-ari — mula sa pagluluto, pagsi-serve, hanggang paminsan-minsang pagde-deliver. Ibinuhos namin dito ang oras, lakas, at puso.
Pero tandaan niyo ito… hindi dito nagtatapos ang kwento. ✨
👉 Ang physical store lang ang magsasara.
✅ Tuloy pa rin ang online orders
✅ Tuloy pa rin ang delivery
🚶♂️ At soon, aayusin lang namin ang ilang bagay, pwede na ulit ang walk-in para sa inyong cravings!
Paano na ang Unli Rice?
Walang problema! May BAGO tayong Combo Meals kung saan automatic na ang 2 rice —
🍚 Java Rice o Chao Fan (depende sa availability)
🕒 Delivery Schedule:
🍽 Lunch: 11:00 AM – 12:00 NN
🍽 Dinner: 6:00 PM – 7:00 PM
Hindi man bukas ang tindahan, bukas pa rin ang kusina at puso namin para sa inyo.
Maraming salamat sa patuloy na suporta — konting tiis lang, babalik tayo nang mas maayos at mas matibay. ❤️
📩 PM lang para sa orders and updates.
Magrereply po kame