15/09/2026
5 MISTAKES NA DAPAT IWASAN NG CHIEF COOK ONBOARD
Hindi lang dapat masarap ang luto—dapat organized, safe, at kontrolado rin ang galley.
🚫 1. Walang maayos na menu planning
Kapag walang plano, madaling maubusan ng ingredients at nauuwi sa paulit-ulit na ulam.
👉 Planuhin ang menu at gamitin nang maayos ang available provisions.
🚫 2. Hindi sinusunod ang FIFO/FEFO
“Nauna pumasok, nauna gamitin.”
Huwag hayaang matulog sa freezer o storeroom ang provisions hanggang ma-expire.
🚫 3. Hindi regular na chine-check ang inventory
Kapag biglang naubusan ng importanteng ingredients habang nasa dagat… Chief Cook ang unang titingnan.
👉 Regular na mag-inventory at i-monitor ang consumption.
🚫 4. Sobrang daming food wastage
Hindi porke maraming provisions, okay lang magsayang.
👉 Gamitin nang maayos ang ingredients at maging creative sa paggamit ng safe, properly stored leftovers.
🚫 5. Hindi binibigyang-importansya ang food safety
Malinis na galley, tamang storage, proper food handling at temperature control—hindi ito optional.
Tandaan, Chief:
Ang magaling na Chief Cook ay hindi lang mahusay magluto—marunong ding mag-manage ng pagkain, provisions, budget, at galley.
Chief Cooks, ano ang pinaka-challenging sa inyo onboard—menu, provisioning, inventory, o food preparation?
Follow Mga Luto ni Mayor para sa mas maraming galley tips, recipes, menu ideas, at pang-seaman na content!