16/06/2026
The Sad Reality in the Catering Business
Sa ilang taon namin sa industriya ng catering, marami kaming natutunan, hindi lang tungkol sa pagkain at serbisyo, kundi pati na rin sa pakikitungo at pag-intindi sa iba’t ibang klase ng tao.
Una: May mga pagkakataon na ipaparamdam sa’yo na dahil nagbayad sila, kailangan mong gawin ang lahat ng gusto nila. Nauunawaan namin na ang kliyente ang dapat pagsilbihan nang maayos, pero sana laging may kasamang respeto at pag-unawa sa magkabilang panig.
Pangalawa: Minsan kahit maliit na bagay ay napapalaki at nagiging dahilan ng reklamo. Naiintindihan namin na mahalaga ang bawat detalye sa isang event, pero sana makita rin ang effort, oras, at sakripisyo ng mga taong nasa likod ng serbisyo.
Pangatlo: Sa catering business, madalas higit pa sa napagkasunduan ang ibinibigay namin. Higit sa oras, higit sa pagod, at higit sa expectation, dahil ang bawat event ay hindi lang trabaho para sa amin, kundi isang responsibilidad na gusto naming maibigay nang maayos.
Hindi ito para manira o umatake ng kahit sino. Ito ay simpleng pagbabahagi lamang ng mga karanasan at realidad na naranasan namin sa pagdaan ng mga taon sa industriya.
Sa likod ng bawat magandang event ay mga taong nag-eeffort, nagsasakripisyo, at buong pusong nagtatrabaho. Patuloy kaming matututo, magpapakumbaba, at pagbubutihin ang aming serbisyo para sa mga taong nagtitiwala sa amin.
Maraming salamat sa mga kliyenteng marunong umunawa, rumespeto, at nagpapahalaga sa mga maliliit na negosyo tulad namin. ❤️