29/05/2025
Take Time to Read and share;
“Pag hindi ka nasarapan sa pagkain, ‘wag mong i-post na hindi masarap. Sabihin mo lang, hindi nakapasa sa panlasa mo. Kasi, hindi naman magkakapareho ang taste buds natin. Pwedeng hindi masarap sa ‘yo, pero sa iba, masarap.”
Hangga’t kakayanin, hindi tayo para manira ng maliliit negosyo, lalo na sa small food business. At online food delivery. Basta pag natikman ang kanilang produkto, thank you. Pero pag di mo type yung luto o yung lasa, private message mo at magsa-suggest ka...
Siyempre, isipin mo din, baka doon sa negosyong yon humuhugot ng pambayad ng kuryente at tubig yung tao o kaya ay pang-tuition ng anak, nagpapasweldo sa mga tauhan, tapos, sisirain mo lang? Wag. Hindi tama.
Kung hindi masarap, i-DM mo para i-improve niya. Juice ko, sa panahon ngayon na mi-mental health na inaaalala ang mga tao sa kanilang sarili, baka ‘yun pang post mong “hindi masarap yung luto o lasa ng pagkain mo,” yun pa ang maging sanhi ng kanyang mental health issue, di ba?
Kaya sabihin nang maayos. Hindi naman porke nagbayad tayo ay lahat ng karapatan ay nasa atin na para laitin ‘yung kinain mong di ka naman nasarapan.
Tulungan mo ‘yung negosyong mag-improve at lumago para mas marami pa itong matulungan.
Lagi nating isaisip , maraming umaasa sa negosyo, so help them sell, make profit at kung may kapalpakan, mag-suggest, wag sirain ang negosyo
Ang pagbili mo sa kanila ay Hindi para payamanin Sila kundi may mga need Silang bayarin at gastusin upang makatulong din sa iba.... support local and small Food business and small online food delivery and most of all spread Love 💘 💘 💘
Maraming Salamat alamat po - Fernan Pangilinan