15/07/2025
Magandang araw po sa inyong lahat.
Kami po ay buong pusong lumalapit sa inyo para humingi ng tulong para sa aming pinakamamahal na si 𝙇𝙞𝙡𝙮 "𝙈𝙖𝙙𝙚𝙧" 𝙍𝙚𝙮𝙚𝙨 𝘼𝙧𝙨𝙪𝙖, na kasalukuyang naka-confine sa Chinese General Hospital lumalaban sa Stage 4 Breast Cancer.
Nagsimula po ang laban niya noong July 2024, nang matagpuan ang bukol sa kanyang kaliwang dibdib. Siya ay na-operahan (total mastectomy) at lumabas sa biopsy na malignant ang bukol. Pagkalipas ng 6 na buwan, bumalik siya para sa follow-up at clear naman ang tests.
Pero nitong March 2025, nagsimula siyang ubuhin. Sa X-ray, nakita ang mga bukol sa kanyang baga. Kumuha kami ng CT scan at nirefer siya sa oncologist. Nahirapan po kaming makakuha ng schedule sa public hospitals, June 17 pa ang earliest biopsy schedule sa Lung Center. Pero isang linggo bago iyon, kinailangan siyang dalhin sa ER.
Hindi siya tinanggap sa Lung Center dahil normal daw ang vitals. Kaya napilitan kaming ipa-confine siya sa Chinese General Hospital para agad magamot. Ilang araw matapos ma-discharge, lumala ulit ang kondisyon niya. Nai-confine siya sa CCMC, kinabitan ng oxygen, at inuwi na may oxygen support.
Pero makalipas lang ang dalawang araw, muling lumala ang kalagayan ni Mader. Mula noon (June 19) ay tuloy-tuloy na siyang naka-confine sa Chinese General Hospital, naka-intubate at dependent na sa life support. Ayon sa mga doctor, aggressive at rare ang cancer niya. Sa ngayon, 25% na lang ng kanyang baga ang gumagana at ang iba’y puno na ng bukol.
Ginawa po namin ang lahat, mula sa savings ng magulang ko, mga kapatid ko, at sarili ko pero hindi po ito sapat at labas na sa aming kakayahan.
Sa kasalukuyan, ang total hospital bill namin ay umabot na sa ₱813,066.00
Matapos ang mga discounts, deposits, at guarantee letters, ang amount payable na kailangang bayaran namin ngayon ay ₱441,281.00
Bukod pa po dito, araw-araw ang gastos sa:
• Gamot, gatas, diaper, at supplies – umaabot ng ₱20,000–₱30,000/day
• Private duty nurse (PDN) – ₱2,000 per 12-hour shift / ₱4,000 per day (dalawa silang naka-duty dahil intubated si Mader)
Kaya kami po ay nagsusumamo at kumakatok sa inyong mga puso, kahit maliit na halaga ay malaking tulong na po para mapagpatuloy ang gamutan at maalagaan si Mader sa gitna ng napakahirap na laban na ito.
Donation Channels:
📱 GCash – 0943 406 2543 (Ann Kurt Arsua)
🏦 Metrobank – 4603 9185 38705 (Angela Arsua)
Higit pa sa pinansyal na tulong, taos-puso rin po naming hinihiling ang inyong mga dasal para sa kagalingan, kapayapaan, at ginhawa ni Mader.
P.S Mula nung mag-post kami nung nakaraan ay ang dami nang tumatawag samin na scammer. Mga magbibigay daw ng tulong, mga taga malasakit center at mga taga opisina ni B**g Go. Please lang po wag nyo na pong subukan, tigil-tigilan nyo kami at lumaban naman po tayo ng patas.